CHAPTER 97

1.8K 28 1
                                    

Inabot ko naman mula sa side table ang gamot at inabot ito sa kanya.

Luckily sya na ang uminom ng kusa non. Akala ko pati yun ako pa magpapainom.

Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto ko dati.Nandito pa din pala lahat ng gamit ko. Even yung mga pabango at abubot ko ay nasa vanity
table ko pa din.

"Hindi ko inalis yung mga gamit mo kasi pag nandyan sila feeling ko nandito ka pa din"
Ayan na naman ang puso ko, konting salita nya lang halos magwala na ito.

Nagulat ako ng hawakan ni kian ang kamay ko.

"You're real, nandito ka talaga. I'm so happy na nandito ka ngayon" sabi nya. He smiled.And I don't know for what reason I can't help
but smile back.

"Sige na, matulog ka na para gumaling ka na" sabi ko.Sunud sunod ang ginawa nyang pag iling na parang bata.

"Ayoko, pag gising ko, wala ka na naman e"Ewan ko parang nasaktan ako ng makita ang malungkot nyang mukha.

"Wag kang mag alala. Pag gising mo nandito pa din ako"

Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Fvck! Sinabi ko ba talaga yun? I am in deep trouble.

"But I am here only as a concerned friend" defensive kong dagdag.
Ngumiti naman sya.

"Whatever. Wala ng bawian. Don't break your promise" sabi nya at humiga na.

Tumayo na ko, nagulat ako ng bigla nya kong hawakan sa kamay.

"Saan ka pupunta?"

"Ano ka ba naman kian? Magpapalit lang ako ng damit at may tatawagan lang ako" I said.

"Bumalik ka sofia, seryoso ako" sabi nya bago pumikit.

I sighed. Bossy as ever.
Lumabas ako ng veranda at tinawagan si Wendy para sabihing di ako makakauwi, sabi ko na lang may business conference akong
pupuntahan at maaga yun kaya sa hotel na ko mag overnight.

Nung makapagpalit ako ay pumasok ako sa kwarto ko para i check si kian, hininaan ko ang aircon at lumapit ako para ayusin yung kumot nya.

Laking gulat ko ng hilahin nya ko kaya bumagsak ako sa tabi nya at halos lumundag naman ang puso ko ng yakapin nya ko.Nasa likod ko sya at nakaharap ako sa side
table.

My body frozed ng ilagay nya ang baba nya sa balikat ko. Sht nararamdaman ko ang paghinga
nya sa tenga ko.

"K-kian, ano ba? Bitawan mo ko,
matutulog na ko sa kabilang kwarto" sabi ko.Bat ka nauutal sofia? Kinikilig ka agad, may I remind you, sinaktan ka nyan Bulong sakin ng utak ko.

So what sofia? Binalikan ka naman nya at mahal ka na nya don't you think he deserves a chance?
Sagot naman ng puso ko.

Gustong gusto kong sundin ang puso ko but my heart is dominating and I hate it.Triny kong pumiglas pero mahigpit ang pagkakayakap nya sakin.

"Let me sleep like this, I know in the morning you'll be gone" sabi nya sa malungkot na tono kaya hindi na ko pumalag pa.Naramdaman kong hinalikan nya ko sa ulo

"Goodnight sofia"

Akala ko ay hindi ako makakatulog dahil nagwawala ang puso ko pero hinatak pa din ako ng antok.

Damn why is it so comfortable and relaxing beside him.This is definitely wrong at baka mag lead na naman to sa panibagong pagkasira ko.

Kian's POV.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Pagdilat ko ay ang natutulog na mukha ni
Sofia.I touched it.Para pa rin syang batang matulog.

God! I missed her.
Totoong nandito sya sa tabi ko.
And I felt so happy and contented.
Yinakap ko pa sya ng mahigpit at hinalikan sa noo.
Hanggang sa hilahin ulit ako ng antok.

Pagkagising ko ay wala na si sofia sa tabi ko.I cussed, sana pala hindi na ko nakatulog ulit para na enjoy ko man lang na nandito sya. Nalungkot ako, I am once again lonely. Pero nawala ang lungkot ko nung may
mapansin akong note sa side table ko, katabi noon ay pagkain at gamot

Kian,
Rise and shine! You must get well okay? Bawal ng magkasakit. Hilig mo talaga akong pinag aalala. Kumain ka at inumin tong gamot na to,
bawal ang pasaway okay?
-Akira

Napatawa naman ako ng mabasa ko ang note.She still cares for me and it's more than enough for me to have the will to get her back

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon