"Ayieee" yan ang sigawan sa room. Tinutukso silang dalawa.
"Ma'am ano po bang meron sa inyo ni Sir kian? Kayo po ba?" tanong sa kanila ni Gail.
At ako? Ito feeling ko pinagpapawisan ako kahit naka aircon naman ang classroom. Ang
bilis ng tibok ng puso ko pakiramdam ko sasabog iyon."Yes kami nga, girlfriend nya ko for 3 years na"
May mga sinasabi pa si Ella pero parang nabingi na ko or ito ang paraan ng utak ko to prevent myself from hurting pero isa iyong
epic fail dahil gusto ko ng mag iiyak doon. Nakita kong nakatingin sakin si kian pero nag iwas ito ng tingin.Nagtaas ako ng kamay.
"May I excuse myself?" sabi ko.
Nakita ko namang tumango si kian kaya lumabas na ko. Narinig ko namang nagbalik sa panunukso
ang mga classmate ko. Naglalakad na ko papunta sa restroom ng"fia!" kamalasan! Yan agad ang pumasok sa isip ko nung marinig ko ang pagtawag nya.Mabilis kong pinunasan ang luha kong tumulo
na. Humarap ako sa kanya."Saan ka punta?" tanong nito.
"Dyan lang sa restroom" sagot ko. Buti na manage kong hindi mangatal ang boses ko or worst malalaman nyang umiiyak ako.
"Uhm. Sige. Ayan nakilala mo na yung boyfriend kong sinasabi ko. Alam kong kilala syang terror na prof dito pero believe me, mabait sya sobra"
Is this for real? Hindi ba nya talaga alam na may asawa si kian at ako yun? Hindi nga ba intentional ang paglapit nya sakin? Kasi mukhang hindi. Hindi pa rin kasi nagbabago
ang pakikitungo nya sakin."Ah" yun na lang ang sabi ko.
"Sige, restroom lang ako" sabi ko.
"Okay. Pasok na muna ako sa loob" sabi ni Ella na naglakad pabalik.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa restroom ay nilock ko iyon. Wala na kong pake kung may kakatok. nag iiyak na ko. So si kian pala yung kinukwento ni Ella na long time boyfriend nya? Yunh sweet at mahal
na mahal sya. So kaya ba atat na atat si kian na hiwalayan ako kasi totoo yung sinasabi ni Ella na gusto na syang yayain nitong magpakasal.
So yung Dani na binabanggit at sinasabihan ni kian ng I love you is si Ella.Napatapik ako sa ulo ko. Her real name is Daniella. Malamang dun galing ang Dani.Bakit? Bakit hindi ko naisip yun? Or masyado akong nagtiwala kay Ella.Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong
magalit pero wala akong karapatan dahil pinilit ko lang sya sa kasal na to.Iyak lang ako ng iyak dun. Hindi ko alam kung anong oras na pero for sure tapos na ang klase.Nakita kong nagri ring ang cellphone ko. At si althea ang caller ID
"Aaaaaaaahhhhh!" sigaw Sa sobrang frustration ko ay binato ko yung cellphone ko sa salamin kaya nabasag yung salamin at nagtalsikan sakin. Nakita kong dumudugo ang braso ko. Ring pa din ng ring ang phone ko kahit na basag na ang screen nito. Iniwan ko na lang
yun at lumabas na.Napatingin ako sa digital na orasan na nasa taas ng pinto.
9:46pm
Ganun ako katagal na nag iiyak sa banyo at hindi pa rin maubos ang luha ko.
Lumabas ako ng gate, dire-diretso lang ako. Hindi ko alam kung nasan na. Naiwan ko sa room yung bag ko, nandun yung wallet ko kaya hindi din ako makakasakay at ayoko ding
umuwi samin. Hindi ko naman gustong puntahan si althea dahil makakatikim pa ko ng panenermon dun.Lakad lang ako ng lakad hanggang masilaw ako dahil sa ilaw ng isang sasakyan. Hindi ko maaninag kung kaninong sasakyan ito.
Sino ba kasi to?
Nagulat ako ng makita kung sino ang bumaba mula rito.
Naglakad sya ng mabilis palapit sakin.
"God! You made me worried! Hinanap na kita kung saan saan!" pagkasabi nya nun ay hinila nya ko payakap kaya mas naiyak ako.
"kenz" sambit ko sa pangalan nya. Iyak lang ako ng iyak.
"Ang sakit sakit" Niyakap nya pa kong mas mahigpit.
"I know, don't worry I got you. Iiyak mo lang lahat. Hindi kita iiwan"
"kenz"
Umuulan ng malakas pero yakap yakap ako ni kenz.
Nasasaktan ako pero natutuwa ako na merong isang taong hindi ako kayang saktan at iwanan.
May isang lalaki na maglalakad sa ulanan para lang sagipin ako.
For the first time aside from kian. I felt secured and safe by kenz's hug.
Sign ba to na sya na ang dapat na mahalin ko?
Do I deserve a Kenz Rein Hermoza?