CHAPTER 91

1.8K 26 0
                                    

"Kenz! Stop it!" sigaw ko. Nagtinginan silang dalawa sakin.

Lalapit na sana ako ng makita kong sumenyas si kian.

Nagulat ako ng bigla akong hawakan ng dalawa nyang bodyguard.

"Fvck. Let me go!" sigaw ko.

Nakita kong ngumisi si kian kay kenz.

"Tapos ka ba na Hermoza?" mayabang nyang tanong dito.

"Hindi! Hinding-hindi ako matatapos hanggat hindi ka pa namamatay" galit na galit na sabi ni kenz bago nya pinagsasapak si kian.Pinipilit kong kumawala sa may hawak sakin
pero mas malakas sila sakin.Pinagtataka ko kung bakit hindi lumalaban si kian at hinahayaan nya lang si kenz na bugbugin sya.

Hindi sya mahina or hindi marunong makipaglaban. I know kian. He's good at fighting dahil napatunayan nya na sakin yun
nung bugbugin nya nung highschool ako ang mga bumabastos sakin. Kaya I don't
understand why he is letting kenz beat him up.

"Ano ha? Ano? Sumagot ka! Bakit ka pa bumalik? Bakit hindi mo pa din pinapa annul ang kasal nyo ni sofia?!" galit na galit na tanong ni kenz.

"Ano ba! Bitawan nyo nga ako! Gusto nyo bang mabugbog ng tuluyan yang amo nyo?!" sigaw
ko sa mga walang silbing bodyguards ni kian.

"Pasensya na pero utos ni boss to, wag daw namin silang pakielaman" sagot nung isa.

"Ano napipi ka na ba?!" nakita kong sinapak ulit ni kenz si kian kaya dumugo na ang labi nito.

And I don't know but it pained me to see himhurt. Ano to? Pakiramdam ko maluluha na ko. Hinawakan ni kenz si kian sa kwelyo.

"Sagot!" sigaw ulit ni kenz.

Inalis ni kian ang pagkakahawak sa kanya ni kenz.

"Bakit? Bakit di ko pa rin pinapa annul ang kasal namin?" sagot ni kian at tumingin sya sakin ng diretso.
"Cause I want her back, dahil
mahal na mahal ko sya"

Tuluyan ng nagbagsakan ang mga luha ko. Ano bang mga pinagsasabi nya?My heart pounded by what he just said. Don't tell me, naniniwala na ako agad sa simpleng salita nya na yun.Nakita kong mas nagalit si kenz.

"Siraulo ka pala e! Papatayin muna kita bago mo makuha si sofia sakin! Don't you get it? Kami na! Girlfriend ko na sya!"Nakita kong nagulat si kian. He looked at me as if confirming it.

"Tama na! Tumigil na kayong dalawa pwede ba!" sigaw ko. Binitawan lang ni kenz si kian nung makita nyang umiiyak na ko.

"Totoo ba?" kian asked me.

"Tama na kian. Totoo yung sinabi nya" sabi ko.

Pinunasan ni kian ang dugo nya sa labi at naupo sa couch. Humawak sya sa ulo nya at yumuko lang.

"Go" cold nyang sabi.
Magsasalita pa sana ako kaso

"Go! Leave me alone, all of you!" sigaw ni kian.

Hinawakan na kami nung mga guards nya. I looked at him once more before I went out.Hindi ko alam. Iba ang iniisip ng utak ko sa
gustong gawin ng katawan ko.
Sinasabi ng utak ko na tama lang na nangyari to para maipamukha kay kian na tapos na kami. Pero hindi iyon ang gusto ng katawan at ng
puso ko.

It clearly wants to stay and to check if
kian's okay. Parang may part pa sa puso ko na gustong mag explain pero hindi ito dapat. Mali to. Maling mali.Sumakay na ko sa kotse ko, at ganun din si kenz. Si Cloud na ang nagmaneho. Habang bumibiyahe kami ay iniisip ko pa din ang mokong na yun. Sana gamutin nya ang sarili nya or magpagamot sya kay yaya minda.

"You're quiet" pagbasag ni kenz sa
katahimikan namin.

"Bakit pa kasi kailangang sugurin mo sya sa bahay?" I said.

"Kasi mali ang ginawa nya"

"Kahit na ba, kailangan bang dumating sa punto na to?"

"Are you mad?" tanong nya.
Hindi ako sumagot sa halip at tumingin na lang ako sa labas.

"Don't tell me napaniwala ka na nya agad sa sinabi nya fia?"

Hindi agad ako sumagot.
Ayaw kong maniwala. Ayoko. Dahil baka masaktan na naman ako. Pero hindi ko itatanggi na may kakaiba na naman akong nararamdaman.
Sa tatlong taon naming mag asawa noon.Halos araw araw kong hiniling na marinig sa kanya yun. Kaya hindi ko alam ang magiging reaksyon ko ng marinig ko ito ngayon.

"Let's not talk about it. Pagod ako" I said.Narinig kong nag sigh sya pero hindi na muli pang nagsalita.

I must stop myself.
Don't let yourself be fooled again sofia!
Masasaktan mo si kenz at baka masaktan ka na naman at baka madamay pa pati ang anak ko.
Tama na.
Once is enough.
Siguro naman hihinto na si kian ngayong alam nyang may relasyon na kami ni kenz.
Dapat lang.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon