121

1.6K 20 0
                                    


Sofia's POV.
Inayos ko na yung mga gamit ko dahil 10pm na pala. Wala pa sana akong balak umuwi kaso tumawag sakin si Wendy at nilalagnat daw si
klea.

As a paranoid mom I am. Natataranta na kong umuwi ka agad.
Mabilis akong sumakay ng elevator at tinungo ang parking lot. Sasakay na sana ako sa kotse ko kaso kamalasan talaga! Ngayon pa ko na flat-an ng gulong.

Anong gagawin ko? May taxi pa ba ng ganitong oras?

"Sofia" napalingon ako sa tumawag sakin.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ko kay kian at nakakapagtaka nagpalit ito ng suit.

"May tinapos lang ako" sabi nya habang papalapit sakin at doon ko lang napansin na putok pala ang labi nito.

"What happened to that?" turo ko sa labi nya at bigla namang nag pop up ang idea sakin

"Wag mong sabihing nagsapakan talaga kayo ni kenz?"Nagkibit balikat sya.

"Hoy tinatanong kita kian?!" sigaw ko sa kanya.

"Kailan ka pa naging bossy sofia?" sabi nya at nakangiting tumingin sakin.

"Shut up!" lumapit ako sa kanya at chineck yung labi nyang namamaga.
"Nagpabugbog ka na naman ba kay kenz?!"

"Hindi na no, nilabas lang namin yung init namin sa isa't isa. Men tend to be like that"

"Yeah right, tend to be cheater?" sabi ko sa kanya ng nakataas ang kilay.

"Nagbago na ko" sabi nya.

"Talaga lang huh?"

Sunud sunod ang ginawa nyang pagtango habang nakatitig sa gulong ng sasakyan ko.

"Guess I'll be taking you home tonight?" sabi nya at nag cross arms.

"Who told you that?" nakataas kilay kong sagot.

"You have no choice. Your tire is flat. Come on it's getting late already. Hindi naman kita papayagan mag commute. Remember what happened to you?" sabi nya.

I sighed. Kailangan ko na talagang umuwi. Nag aalala na ko ng sobra kay klea kapag may sakit pa naman iyon ay ako ang hinahanap.

Pero bakit sa dinami dami ng taong pwedeng maghatid sakin si kian pa.
Kahit alam kong delikado at mas pinapaliit ko ang mundo ng anak ko at ama nya ay wala na kong nagawa kundi sumakay na sa sasakyan
nya.

"That day nung sumakay ako ng taxi at naaksidente ako, yun yung araw na nalaman kong buntis ako"

Hindi ko alam, out of nowhere ay nasabi ko iyon.Nakita ko sa peripheral view ko na lumingon si
kian sakin pero binalik nya ang tingin nya sa daan. I heard him sighed.

"I was supposed to tell you that pero natakot ako na baka i reject mo ang bata at dahil nga nalaman ko din na kayo ni Ella"

"I'm sorry because of the things I've said and done, natakot ka. Kasalanan ko rin naman kung bakit namatay ang baby natin" narinig ko ng may bahid ng lungkot ang boses nya.

"If only I wasn't jerk, maybe hindi ka nawala sakin at baka siguro nandito pa ang anak natin. Masaya siguro tayong pamilya. I'm really sorry. Just so you know even though I didn't
meet our baby, ni hindi ko nga alam kung babae or lalaki sya but I already love that unborn child and I felt truly devastated nung nawala sya kaya nasisi kita" sabi nya at
binigyan nya ko ng malungkot na ngiti.

Pakiramdam ko ay may humaplos sa puso ko.
He loves our daughter? Pero anong
kasiguraduhan ko na hindi sya magagalit sakin at hindi nya kukunin si klea kapag nalaman nya.

"Palagi akong pumupunta dun sa pinaglibingan nya especially whenever I missed you both"

Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko at maiiyak ako. We faked her death at sinabing inilibing sya pero wala naman talagang
nakalibing doon. I feel so guilty.

"Wag ka ng malungkot. I don't mean to bring that topic up. May good news na lang ako para sayo well to be true, hindi sya good news para
sakin" sabi nya.
I cleared my throat.

"Ano yun?" tanong ko.

"Those three, I gave them a chance to go back to college"

"Sila Gail?"

Tumango naman sya. Napangiti ako. Mabuti naman at pinagbigyan nya ko sa hiling ko dito.

"I still hate those girls. Maswerte sila at sa Reyes University ko pa din sila pinadala.I just can't resist your request. Why so nice to
them sofia?"

"Nagsisi naman na sila. By the way bakit hindi ka na nagtuturo sa RU?" I asked him.

"Well technically, I violated one of the university's rule and that is having an affair with my student. I violated that for three years. So I decided na mag quit na lang sa
pagtuturo kesa naman mawala ang lisensya ko as a professor"

"Sorry" I felt too bad.

"Don't be. Wala ka namang kasalanan" sabi nya at nginitian ako.

Why so gwapo kian?
Ano ka ba naman sofia.

"But I know how badly you wanted to teach" sabi ko.

"But I like being a business man more, but I like you the most"
Nag init ang mga pisngi ko. Bumabanat na pala ito?

"Ang corny mo bwisit!" sabi ko at nag roll eyes sa kanya.

"I'm dead serious"

"Whatever" sabi ko.

Tumahimik na kami hanggang makarating kami sa building ng condo ko.,Bumaba pa sya at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Since break naman na kayo ni kenz, are you thinking of coming back to me?"

"kian"

"I badly want to be with you sofia"

"Hindi ganoon kadali yun kian. Marami ng maaapektuhan and it's better if wag na lang tayong magkaayos. We can be friends" sabi ko.

Specifically, I'm talking about klea.
Natatakot ako na baka kuhanin sya ni kian.Sino ba ang makakasigurado na magiging maayos na talaga ang pagsasama namin at hindi na kami maghihiwalay pa ulit.Baka pag naghiwalay ulit kami e kunin nya
sakin ang anak ko.

"Sorry" sabi ko.

Hindi sya sumagot at sumakay na sa kotse nya at pinaandar yun.

Hindi mo ko maiintindihan kian.
Even I can't understand myself.
Masyado na kong natatakot.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon