CHAPTER 104

1.7K 19 1
                                    


Naramdaman kong palapit ng palapit ang mukha nya sakin kaya napapikit na lang ako.

5 years ang ginugol ko sa pagmu move on at ito ako magpapahalik sa taong dahilan ng lahat.

Baliw ka sofia.
Baliw na baliw ka sa lalaking yan!
Itigil mo na yan.

Ilang segundo na kong nakapikit pero wala pa din akong nararamdamang mga labi kaya
dumilat na ko. Nakita kong taimtim syang nakatitig sakin. Ngumiti sya ng dumilat ako at lumayo na sakin
Sa wakas nakahinga din ako ng maayos.

Kumunot ang noo ko. Anong problema nitong lalaking to? Akala ko hahalikan nya na ko tas biglang hindi.

Sus na disappoint ka lang na di ka nya hinalikan e
FYI hindi no! Katangahana kung magpapahalik ako sa kanya.
May boyfriend kaya ako.
Pero sya ang asawa mo? Anong masama don?

Lecheng puso to, malapit na kitang dukutin at itapon.

"You look beautiful sofia" seryoso nyang sabi.And here we go again mgakababayan.

Naghuhurumentado na naman ang loko loko kong puso.

"Let's have lunch together later, I'll just check on how is it going outside" sabi nya.

Tatanggi sana ako pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.
He smiled at me bago lumabas ng opisina ko.

Why is it like this?
Why do I kept being dragged in this mess?
Mali to. Maling mali.

Tapos na kami ni kian 5 years ago but here he is. Invading my peaceful life and my stupid heart.

Pabagsak akong umupo sa swivel chair ko.Mabuti pa at magtrabaho na ko dahil wala akong matatapos kung puro yung kulog na yun
ang iisipin ko.

Ilang minuto na lang ay magla lunch na, alam kong anytime ay dadating na si kian na yun kaya inayos ko na ang mga gamit ko.

I even went to the bathroom para mag retouch.

Gosh sofia! Lunch lang to! Hindi ito date.Ito kasi ang unang lunch namin, diba nga hindi natuloy yung lunch namin dahil nagkasakit sya.
Lumabas na ko sa restroom ko at nagulat ako

"kenz" pagtawag ko sa kanya.

Tumayo naman sya at ngumiti. Maya maya ay niyakap nya ko.

"Are you going somewhere?" tanong nito sakin na nakayakap pa din.

"N-no. Nag restroom lang ako"
pagsisinungaling ko.

"Namiss kita" sabi ni kenz.

"Magkasama lang tayo kaninang umaga" sabi ko.

Hindi pa din sya bumibitaw sa pagkakayakap sakin.

"Kahit na, namimiss kita every second. Ganun kita kamahal sofia" seryoso nyang sabi.

And it pained me.

Ito ako at nagsisimula na namang mabaliw kay kian nang hindi man lang iniisip si kenz.

Pag nahulog na naman ako sa kian na yun ay masasaktan ng husto si kenz.

"What brought you here?" tanong ko,kumakawala ako sa pagkakayakap nya pero mas yinakap nya pa ko ng mahigpit kaya hindi na
ko pumalag.

"Let's have lunch together?"

Damn. Naka oo na ko kay kian at any
moment parating na yun.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng opisina ko.

Pinilit kong humiwalay kay kenz and I succeed but it's too late, nakita nya na kaming magkayakap.

Heck! Why do I care kung makikita nya yun?Nakita kong ang sama ng tingin ni kian kay kenz habang si kenz naman ay nakangiti.

"What brought you here kian? Sa
pagkakatanda ko hindi dito ang opisina mo?" panimula ni kenz.

"You don't care. Isa pa. Dito na ko mag o-opisina. Didn't sofia informed you?" sagot ni kian.

Nakita kong nawala na ang ngiti sa labi ni kenz.

"You mean, yung nire renovate na kwarto ay para sa kanya?" tanong sakin ni kenz.

Tumango ako.
"My father permitted him" sagot ko. His hands balled into fist.

"Mukha yatang ayaw sayo ni dad kaya he still supports me para magka ayos kami ni sofia"mayabang na sabi ni kian.

"kian, tumigil ka!" suway ko dito.

Alam ko kasing pag pinabayaan ko sila ay hahantong na naman ito sa sapakan. Mahirap na dahil opisina ito.

"Tsk. Let's go sofia, I thought we're having lunch" sabi ni kian sakin.

My body frozed, nakatingin lang samin si kenz.

Hindi ko alam ang gagawin ko nagsalit salitan ang tingin ko sa kanila.

But I have to make a decision.
A wise one.

"No. I'm having lunch with kenz, he's my boyfriend" I coldly said.

Nakita kong ngumiti si kenz.

Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa kamay.Nakita kong nakatingin sa magkahawak na kamay namin ni kenz si kian.

"Tara na sofis" pagkasabi nya ni kenx nun ay hinila nya na ko palabas.

Nagtama pa ang tingin namin ni kian and I can see pain in his eyes and kahit ayoko ay nasasaktan ako.

Habang nakasakay kami sa elevator ni kenz ay bigla syang nagsalita.

"You wanted to be with him, right?" nagulat ako.

"Ano ka ba naman kenz. Of course Ikaw ang gusto kong makasama" sabi ko sa kanya.

I don't care if I am lying. Ayoko lang syang masaktan.

"You chose me dahil pinapangatawanan mo na boyfriend mo ko. I can see it in your eyes sofia. Pero hanggang kelan mo kaya ako pipiliin. Natatakot ako na dumating ang panahon na hindi na ako at sya na ulit"

"kenz" sabi ko at niyakap na lamang sya.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon