Sofia POV.
"Mukha yatang pinagpapalit mo na ko Sofia?" napahinto naman ako sa pagkain dahil sa sinabi ni althea.
I frowned at her."Ang OA mo naman. Ikaw pa din naman ang bestfriend ko" sabi ko bago bumalik ulit sa pagkain ng tiramisu.
"Hey slow down. Baka mabulunan ka na nyan e. Pang apat mo na yan" sabi sakin ni kenz. Kaya napatigil naman ako sa pagsubo. Seriously. Pang apat ko na to? Ang lakas ko
naman atang kumain ngayon? Well, masarap sya at sinusulit ko na din ang baon ko.I smiled on kenz. Pagdating sakin napaka attentive nya kaya lahat ng bagay napapansin nya sakin.
"Tol, alam kong patay na patay ka kay sofia, pero male late na kasi tayo alam mo namang terror ang prof natin dun" sabi ni Josh.
Tumingin sakin si kenz as if asking for permission na hindi naman nya kailangang gawin.
"Ano ka ba kenz. Wag mo na kong tingnan ng ganyan. Pumasok na kayo dali" sabi ko.
"Okay. I'll pick you up tomorrow. No buts! Bye!" sabi nito habang nagwe wave pa.
May next subject pa naman kami pero hanggang 6pm na lang unlike kila kenz na 8pm or minsan 9pm pa kaya di nya na ko mahahatid. So susunduin na lang nya ko bukas.
Nung makaalis ang dalawa ay bumili pa ko ulit ng lima pang tiramisu para i take home. Pagkabalik ko sa table namin ay nakasimangot na nakatingin sakin si althea."Hoy babae, napakatakaw mo naman ngayon, baka mamaya lumobo ka at mas lalong hindi
na magustuhan ni Sir kian" sabi nito."Che! Ngayon pa nga lang na sexy ako ayaw nya sakin e, wag kang mag alala magda diet ako after nito. Parehas naman tayo nila Ella e,
mabilis yata metabolism natin" sabi ko."Ella na naman, lagi na lang sya. Sabi ko na nga ba e, itatapon mo yung since kindergarten nating friendship sa Ella na yan na isang buwan mahigit mo pa lang na kilala" nag pout sya after magsalita.
Yep. Isang buwan mahigit na simula ng magturo si Ella samin at naging super close na kami at halos ituring ko na din syang bestfriend. Mabait kasi sya sobra at sobrang komportable kausap. Pakiramdam ko nga pag tumagal pa tong pagkakaibigan namin, baka masabi ko na sa kanya yung about kay
kian. Malamang magugulat sya kasi ko prof nya e."Wag na sabing magtampo e, sige bilang apology. Bibilan na lang kita ng make ups mo" sabi ko. Biglang nagningning ang mata nya.
"Totoo yan sofia ha?" tanong nito kaya tumango ako.
"Yehey! Wala ng bawian ah!" Tumango ulit ako, kumakain kasi ako. Tsk. Ang hilig ni althea sa make up sobra, kaya kapag nagtatampo sya, ayan yung pang console ko.
At sobrang effective."Grabe ang takaw mo, nung nakaraang linggo, sandamakmak na crabs at seafoods ang nilantakan mo. Girl, isang linggo kang puro
crabs tas ngayon naman mag iisang linggo mo ng nilalantakan yang tiramisu. Konti na lang iisipin ko buntis ka" Nabilaukan naman ako sa sinabi nya kaya ubo ako ng ubo at dali dali nya naman akong pinainom ng tubig. Nung makahinga ako ng maluwag ay binigyan ko sya ng death glare."Mga pinagsasasabi mo! Nawalan tuloy ako ng gana!" sabi ko.
"Tsk. Sorry naman atsaka alam ko namang imposible, si Sir kian papatulan ka? Hahaha! Malamang ikaw pa ang mang rape" sabi nitong tumatawa. Binato ko naman sya ng
plastic spoon na nailagan nya."Cancel na ang make up na yan! Binubwisit mo ko e!" sabi ko.
"Hehehe! Joke lang naman fia, chill lang. Pero maiba tayo ha? Ayoko dyan kay Ma'am Ella" sabi nito na nagpataas naman sa kilay ko.