170

1.3K 16 0
                                    

Kumakabog ang dibdib ko dahil ang
inaasam ko na sana yung tawag na yun ay tungkol kay kian na okay ito at uuwi na.

Pero hindi, isa lang palang kamag anak na nakiki kamusta kay kian.

Akala ko naubos na ang luha ko pero ito at naiiyak na naman ako.
I don't want to lose hope. Ayoko! Pero natatakot ako sa posibleng mangyari.Hindi ko ata kakayanin kapag nawala sya baka mawala ako sa sarili ko.

I regret not saying how much I love him.

I regret not saying sorry for the time I,pushed him away.

I regret not coming home earlier.

I regret the 5 years I left him.

Tumutulo na pala ang luha ko at napansin ko lang yun ng pinunasan na iyon ni kenz.

"kenz, pano? Pano kung -" hindi natuloy ang sinasabi ko.

"Ssshh. Don't think too much fia, baka mamaya anong maging epekto sayo nyan.He'll be okay" sabi nito.

Gustong gusto kong maniwala sa sinasabi ni kenz pero hanggat hindi ko nakikita at nahahawakan si kian ng buhay ay parang mawawala na ko sa sarili ko anytime.

What if the last time that I will receive a kiss from him is nung last night pa and yet I didn't kiss him back.

I'm such a fool, masyado akong
nagpapakain sa takot ko.Hindi ko alam kung ilang oras na kong
nakaupo doon. Nakatungtong sa couch ang dalawa kong paa at nakatiklop yun habang naka dukdok ang ulo ko sa mga tuhod ko.

I even remember na sinasabi sakin ni Tita Sunshine na magpahinga na muna para may maging lakas ako but I refused.

Ilang oras pa ko sa ganoong posisyon,paulit ulit din ang pag iyak ko at nung matulala ako sa bintana ay napansin kong pasikat na pala ang araw.

Almost 12 hours na syang nawawala pero wala pa ring tawag mula sa rescuer.

kian nasaan ka ba?

Ilang oras pa ang lumipas at tumabi sakin si kenz.

"fia, 10 am na gusto mo man lang bang mag breakfast?" nag aalalang tanong sakin nito pero umiling ako.

"fia, don't be like that, kung gaano katagal na nawawala si kuya, ganon ka na din katagal hindi kumakain"

"Why? Sa tingin mo ba kumain na ang kuya mo kung nasaan man sya. kenz pumunta na lang tayo dun sa mismong pinagbagsakan ng eroplano" sabi ko.

"Hays sofia, hindi tayo pwede don.
Kumain ka na muna. Ako ang mamamatay kapag bumalik si kuya at nalaman nyang pinabayaan kitang walang tulog at kain"sabi nito.

"How sure are you na babalik sya?" sabi ko.

I bit my lip. Namumuo na naman ang luha sa mga mata ko. Kinakain na ko ng mga negativity thoughts ko habang tumatagal ang oras at wala pang balita kay kian.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko dapat magpahinga ka na muna, kung anu ano na ang pumapasok sa isip mo"

"Ayoko. Just leave me alone kenz" sabi ko.

"Hays" sabi nya at narinig kong nagri ring ang cellphone nya. Sinagot nya to.

"Yes this is kenz Hermoza, ako ang
kapatid nya"

"Totoo?"

"Saang ospital? Pupunta na agad kami"sabi nito bago binaba ang tawag.

Tiningnan nya ko ng nakangiti, palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko.

"Anong balita anak? May balita na ba kay lanz?" tanong ni Tita Sunshine.

"Natagpuan na daw si kuya pero
unconcious sya nung dinala sa hospital" sabi ni kenz kaya napatayo ako.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon