(MHMP) CHAPTER 22

2.1K 33 1
                                    

Continue 22

Mabilis pa sa alas kuwatro ang pag iling namin ni Althea.

"Ha? Naku! Wag na!" ako.

"Tama, tama! Sobrang strict kasi ng dad nyang si Sofia, alam mo na baka kainin tayo ng buhay" dagdag ni Althea, na alam ko naman na ang pino point na strict e si Kian at hindi si Dad, like hello ang bait kaya ni Dad haha.

"Ay ganun ba, sayang naman. May aakyat sana ng ligaw sayo dun e" nagulat ako sa sinabi ni Josh kaya nilingon ko sya.

"What do you mean?" nakataas kilay kong tanong.

"Hahaha wala, hindi ka naman mabiro Fia!" tumatawang sabi ni Josh.

"It looks like strict nga ang dad mo ha. Mukhang takot na takot ka na kahit magpaligaw ayaw mo" tumingin naman si josh kay kenz.

"A-a- OO grabe nakakatakot kasi talaga yung si Dad haha. By the way change topic. Bat nga pala nasabit ka rin ng dalawang to Kenz?" tanong ko.

"Inlove kasi yang si loverboy kaya ayun gustong gumagala gala para makita ang love one nya" sabat ni Josh nakita ko namang sinamaan sya ng tingin ni Kenz.

"OMG! Is it true inlove ka? Kanino? Huy bestfriends mo na kami! Kaya dapat ipakilala mo yang lucky girl na yan ah! Ang swerte nya naman! I am so happy for you" sabi ko habang
tinatapik tapik pa sa balikat si Kenz.

KENZ POV.
"Inlove kasi yang si loverboy kaya ayun gustong gumagala gala para makita ang love one nya" muntik ko ng maapakan ang preno dahil sinabi ng walang hiyang si Josh.

Ilalaglag nya ba talaga ako kay Sofia, kanina pa kasi sya e.

Sinamaan ko sya ng tingin dahil nakatingin din sya salamin na parang hinihintay ang reaksyon
ko.

"OMG! Is it true inlove ka? Kanino? Huy bestfriends mo na kami! Kaya dapat ipakilala mo yang lucky girl na yan ah! Ang swerte nya naman! I am so happy for you"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o malulungkot sa sinabi ni Sofia.

Dapat ko bang ikatuwa na hindi nya nahalata na sya ang gusto ko?
O
Dapat ko bang ikalungkot na wala man lang syang nararamdaman na selos o lungkot ng malaman nyang iba ang gusto ko?

I looked at her, she's smiling so brightly kaya mabilis napukaw ang lungkot na nararamdaman ko.

She really completes me and I will do anything for her to be my girl...

SOFIA POV.
Since 1pm pa lang naman ng makarating kami sa Mall of Asia napagdesisyunan namin na mag
star city na muna.

Halos lahat ata ng rides na sakyan na namin ng paulit-ulit. Napili naming manood ng Wonder Woman na last show na dahil 9:30pm na din naman. Bali ang showing ay 10:45pm.

Kumain na muna kami sa isa sa mga fastfood restaurant dito bago tumuloy sa sinehan.

"Hi Ma'am/Sir ano pong order? May couple popcorn po kami para sa inyong mag couple" sabi samin nung cashier.

"Ha? Hindi kami couple no!" agad kong sabi.

Ano ba naman tong kaherang to kung anu ano ang iniisip.

"Ay ganun, sayang naman po. Bagay pa naman kayo ni Sir" dagdag pa nito sabay ngiti kay Kenz.

"Narinig nyo yun, bagay pala kayo e!" pang aasar ni Josh samin. Pinanliitan ko naman sya ng mata pati na din si Althea signalling her to
stop her boyfriend from saying nonsense things. Nilingon ko naman si Kenz kita kong namumula sya marahil ay nahihiya.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon