157

1.5K 18 0
                                    

As expected late na kami ng 30 minutes.Kasalukuyan pa lang na nagpaparada si kian ng sasakyan nya dito sa tapat ng restaurant.

Pagkapark nya ay pumasok na kami sa loob at nag diretso na sa private room  ng pamilya nya.

Napansin ko ding sumeryoso ang mukha ni kian.

Pinagbuksan kami ng waiter at nakita na nga namin doon si Tita Sunshine, Tito Saros, at si kenz.
Nakangiti ng maganda si Tita Sunshine.

Umupo kami sa tapat nilang tatlo.
Kinakabahan ako, una ay dahil baka ano ang di magandang sabihin ni kian sa pamilya nya at pangalawa ay ang tensyon sa pagitan ni kenz at Kian.

Kanina ko pa nakikita ang pagbibigayan nila ng masamang tinging.

"Mukhang na late kayo anak ha?"
paninimula ni Tita Sunshine.

Please please please wag po sanang
barubal ang isagot ni kian.

"Sorry, late na kami nagising ni sofia,
napasarap kasi ang tulog namin" sabi ni sofia.

Pakiramdam ko ay nag akyatan
ang dugo ko. Nakita kong tiningnan nya si kenz at nag smirk sya dito, humigpit naman ang hawak ni kenz sa tinidor nya.

"Mabuti naman, kamusta ka naman anak?Alam mo bang matagal ka naming hinanap?" Tito Saros.

Huminga ng malalim si kian at
binitawan ang kutsara at tinidor nya.

"This is hard for me actually. I'll be
honest. I don't want to be here pero dahil kay sofia, susubukan ko. Susubukan kong intindihin at patawarin kayo" sabi ni kian.

Nag bright up naman ang mukha ni Tito Saros at Tita Sunshine.

"Tara lanz, ay mali pala kian, mag
usap tayo doon" sabi ni Tito Saros.

Tiningnan ako ni kian at binigyan ko
sya ng go ahead look kaya nag exhale sya at tumayo na para sumunod kay Tito Saros na pumunta sa isang gilid.

Kumain na lang muna kaming tatlo dahil mukhang masinsinan ang pag uusap ng mag ama.

"Maraming maraming salamat sofia,
malaking bagay para sa amin ang makita at makasama ulit si lanz" sabi ni Tita Sunshine.

"Wala po iyon tita" sabi ko,

napatingin ako kay Tito Saros at kian. Nakita kong tinapik ni Tito Saros ang balikat ni kian at natuwa ako ng makitang niyakap sya ni kian.

"I want to hug him too" sabi ni Tita
Sunshine kaya napatingin ako sa kanya.

"Go tita, I know he wants to hug you too"sabi ko.

Nginitian ako ni Tita at tumayo na.
Sinundan ko sya ng tingin.

"Ma" narinig kong tawag ni kian bago niyakap ng mahigpit si Tita Sunshine.

"Anak, miss na miss ka ni mama. Hindi mo alam kung ilang taon ang hinintay ko para mayakap ka ng ganito" Tita Sunshine.

"Pano mo sya napilit fia?" napatingin ako kay kenz.

"Sinabi kong uuwi na kami ni klea sa
kanya. Sorry kenz, that is the only way I know para kausapin nya kayo ng matino and look I think it's working" sabi ko.

"Siguro para kila mama, pero para sa aming dalawa. Mukhang malabo. We used to be so close nung bata pa kami at nung nagkita naman kami ulit, isang babae lang pala ang mahal namin" sabi ni kenz.

Parang sinaksak naman ng karayom ang puso ko ng makita ko ang malungkot na mukha ni kenz.

"I'm sorry" sabi ko.

"I know naman fia, alam ko naman na mahal mo pa rin sya kahit limang taon na ang lumipas. He won again." sabi nito.

"kenz"

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon