CHAPTER 34

2K 34 1
                                    

Chapter 34

Sofia POV.
"Ma'am Fia, ito na po yung juice nyo" sabi sakin ni Yaya Minda sabay lapag ng isang baso ng orange juice.

"Thank you yaya" sabi ko. I smiled on her. I looked at my juice and circle my finger on its rim. I heaved a sigh.

"Mukhang bored na bored na po kayo Ma'am fia ah" pagpuna sakin ni Yaya Minda.

"Sobra yaya, inggit na inggit ako kay athea, parang ang saya-saya sa pinagbabakasyunan nya kasama si Josh. Gosh! Bakit pa kasi naimbento yang instagram na yan! Panay tuloy
ang share ng impakta, iniinggit talaga ako" I sigh once again.

"Eh bakit di nyo na lang yayain si Sir kian na lumabas? Magbakasyon din kayo" suggest ni yaya.

"As if yaya. Ang tagal ka na naming kasama. Alam mong imposible pa sa imposible yan. Isa pa, may teacher's conference sya, so sya may pinagkaka busyhan. Ako ito Nagbibilang ng strands ng buhok ko"

Tatlong araw na kong bored na bored, literal. Wala akong ginagawa kundi matulog, kumain, mag surf sa internet, libutin tong bahay and
repeat. Gusto ko mang lumabas, wala naman akong mayayayang sumama sakin. So yeah, I'm spending my sembreak in this freakin' boring house.

Mabuti sana kung in a good relationship kami ni kian, e di sana kahit mag cuddle kami buong maghapon e di sana natutuwa pa ko.Pero nganga, inuuna nya talaga ang trabaho. Sino nga ba naman ako?

"Ikaw talaga Ma'am fia, mapagbiro ka. Pero hindi nyo po ba alam na huling araw nya na dun sa conference na yun. Nasabi nya sakin
kahapon"

"Talaga? E di dito na lang din sya sa bahay?"

"Mukhang ganun nga Ma'am fia, kaya yayain mo na sya" pag uudyok pa din sakin ni yaya.

"Yaya, seryoso, imposible talaga. Hindi na ko aasa"

"Okay sige Ma'am fia, pasok na muna ako sa loob."

Ininom ko na lang ang juice ko. Pang 3rd day ko na at 2 weeks pa ang bubunuin ko. Nanonood ako ng tv sa sala namin, hinihintay ko na lang na makaluto si yaya minda para makakain na at makatulog. Nakailang lipat na ko ng channel dahil ultimo palabas ata ay nakakaboring. Narinig kong may
pumarada ng kotse. Alam kong si kian na yun. Buti nga, napapadalas na ang pag uwi nya dito.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon