156

1.5K 15 0
                                    

Naligo ako at nagpalit lang ng damit since may mga damit pa naman ako dito.

Nagdiretso ako sa kwarto ni kian dahil alam kong sa kwarto ko sya natutulog,kaso triny kong buksan pero naka lock.Ano ba yan? Binuksan ko naman yung pinto ng guestroom at nakitang bagong
ayos ito pero walang kama.

"Why are you here?" halos tumalon ang puso ko dahil naramdam ko ang hininga ni kian sa tenga ko ng bumulong sya.

"Ano ba kian! Nakakagulat ka!"
hinampas ko sya.

He chuckled.

"Tinanong lang naman kita bakit nandito ka? Doon ang kwarto" turo nya sa kwarto ko.

"Doon ako matutulog?" tanong ko.

"Yep, doon TAYO matutulog" sabi nya,magsasalita pa sana ako kaso hinila nya na ko.

Pumasok na kami sa kwarto ko and as usual ganun pa din ang ayos.

Nauna syang humiga sa kama.
Tinap nya yung tabi nya kaya lumapit ako at umupo doon.

"No funny business kian, uuwi talaga
ako" banta ko sa kanya.

"Hahaha don't worry, I won't rape you.Although it's been 5 years since we've done that" sabi nya kaya hinampas ko agad sya.

Nag init ang mukha ko. Why bring that topic?!

"MVP yata ako sa forte na yan, look one shot lang may klea agad" sabi nya na tumatawa pa.

"Reyes!" sigaw ko at hinahampas
hampas sya.

"Ouch. I'm just kidding!" sabi nya at
hinawakan ang dalawa kong kamay na inihahampas ko sa kanya. Nagulat ako ng yakapin nya ko.
Pakiramdam ko ay natuod ako at
tumahimik ang lahat. Tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

"Actually I'm nervous for tomorrow, hindi ko alam kung paano ko sila haharapin or kakausapin. It's been 22 years Fia, and it's not easy for me" sabi nya habang nakayakap sakin.

I just found myself hugging him back.

"Don't worry, I'm with you always.
Magiging maayos din ang lahat" sabi ko sa kanya.

Naramdaman kong huminga sya ng
malalim at bumitaw na sa pagkakayakap sakin.

Nanood pa muna kami ng series ng
walking dead bago napagpasyahan
matulog. Mag aalas singko na ata ng
umaga kami nakatulog.

Kinabukasan nagising ako na nakahiga ako sa chest ni kian, samantalang nakapulupot ang kamay nya sakin.Ninanamnam ko pa ang sandaling yun dahil likas nga na malandi ako pag dating kay kian kaso napahinto ako sa pagmo
moment ng tumama ang paningin ko sa orasan.

"OMG! kian bangon na!" sigaw ko at
humiwalay na sa kanya at tumayo na.

Nakita kong umupo na si kian.

"Ano ka ba kian?! Bumangon ka na at maligo na! Jusko 2 pm na pala! 4:00 pm ang meeting natin kila Tito Saros" sabi ko.

Nakita kong nag sigh sya.

"Why rush love? Let them wait if they
really want to see me, they will wait" sabi ni kian.

Nahinto ako sa paghahanda ng marinig ko ang tinawag nya sakin. Napatingin ako sa kanya.

"Pasaway" yun lang ang nasabi ko dahil kinikilig ako na parang 16 years old.

"Why? Don't you like love as our
endearment?" sabi ni kian.

Tumayo na sya.

"Tse! Maligo ka na nga!" sabi ko at binato ang tuwalya sa kanya.

Love? Gosh! Pakiramdam ko ay maiihi ako kapag yan ang patuloy nyang itatawag sakin.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon