(MHMP) CHAPTER 25

2.2K 34 0
                                    

Continue 25

Hindi na ko nagdalawang isip pa na sabihin sa kanya alam ko naman na mapapagkatiwalaan sya tulad ni Althea.

Nabakas ko ang gulat sa mukha nya, hindi nya siguro ini expect na asawa na ko ni Kian.

"I-I thought that you guys are just in a relationship, hindi ko alam na kasal na pala kayo"

"Sorry, sorry talaga Kenz"

"Sshh. Wag ka ngang mag sorry. Wala ka namang kasalanan e, ako ang nagkakagusto sayo.

But answer this one question, Bakit
tinatago nyong kasal kayo sa isat isa?"

Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tanong nya. Dahil bukod kay Althea may iba ng makakaalam ng tunay na nangyayari sa relasyon namin ni Kian.

"Dahil din sa school, alam mo naman kung gano kadami ang fan girl ni Kian at isa pa. Our marriage is not working like I hope it to be"

Buti na lang bago magsimula ang klase ay nakabalik na kami sa school. Hinatid pa nga ako ni Kenz hanggang building namin.

Nakwento ko na din sa kanya kung gaano kagulo ang married life ko.
Alam kong nasasaktan sya pero mas pinili nya pa ring manatili sa tabi ko.

Sinabi ko na ngang pwede nya kong layuan or iwasan but he insisted.
I even remembered what he said

"I will always be here for you Sofia, I am willing to take care of you, and to catch you over and over"

"Kenz, you don't need to do that"

"Please Fia, let me. Kahit hindi mo na ko mahalin, basta hayaan mo kong mahalin kita"

Hindi ko na sya sinagot, sobrang sakit na nga ang binigay ko e. Pati ba naman ang turing kong kaibigan sa kanya aalisin ko pa din.

I am just thankful to have Kenz around.

Sofia pov.
"Grabe napakadami kong nireview kagabi, halos hindi na nga ako nakatulog" sabi ni Althea na hanggang ngayon ay nagbabasa pa
din ng libro.

Midterm examination namin ngayon kaya halos lahat ng estudyante dito puspusan ang
pag aaral.

I looked at the 3 of them, nakita kong may mga ini sketch or drawing pa si Kenz at Josh. Mga Engineering students kasi sila, kaya ayan may last minute project ata sila.

Nandito kami sa cafeteria ngayon, at every now and then ay may nagha Hi-Hello kila Josh at Kenz kaya itong mukha ni Altjea, mukhang makakapatay na.

"Bakit di ka nagre review Fia?" tanong sakin ni Kenz.

"Masama ba ang pakiramdam mo?"
worried na tanong nya.

Ngumiti ako.

"Hindi no, okay lang ako. Wala lang ako sa mood mag review kaya kumakain na lang ako" sabi ko sabay taas ng kinakain kong lasagna.

"Pssh. Pa humble palibhasa matalino, running for Summa Cum Laude kasi ng Business Administration kaya pa chill chill na lang" nang aasar na sabi ni Josh.

"Baliw ka, tigilan mo nga ako. Mag review na kayo at tapusin na yan dahil malapit na mag start ang class"

"Hoy Fia, siguraduhin mo lang na nakapag review ka ah, sabi nila mahirap daw magpa exam yung asawa mong baliw" sabi ni Althea.

"Ssshhh. Bunganga mo naman" saway ko dito.

Alam na din ni Josh na asawa ko si Kian, isang buwan na din halos ng mag confess sakin si Kenz. I looked at Kenz. Nakita kong sumeryoso ang mukha nya. Mukhang hanggang
ngayon hindi nya pa din tanggap at
katotohanang iyon. Nakakalungkot lang kasi kahit hindi nya sabihin, alam kong nasasaktan ko sya.

Kenz looked at me, nahalata nya sigurong nakatingin ako sa kanya.

He smiled at me, napangiti din tuloy ako ng di oras. Ang lakas kasi makagaan ng loob yung ngiti ni Kenz.

Sa totoo lang, hindi talaga ako nag review, sa unang pagkakataon, tamad na tamad na kong mag aral, dean lister ako kaya naman talagang
pinagbubuti ko ang pag aaral ko.

Pero ngayon, gusto ko na lang bumagsak.

Pa worst ng pa worst ang relasyon namin ni Kian, tuwing magkikita kami, lagi na lang kaming nagtatalo.

Hindi talaga kami magkasundo. At isa pa, laging ang sasakit ng mga binibitawan nyang salita, pakiramdam ko malapit na kong bumigay. Halos walang gabi na hindi ko sya iniiyakan. Hindi ko alam.
Gusto ko ng sumuko.

Ano ba kasing mali sa ginawa ko? Mali bang mahalin ko sya at ipakita yun sa kanya?

Ayaw man ng puso ko, unti unti ko na sigurong dapat tanggapin na talagang sa hiwalayan din ang bagsak namin. At ito na nga
ang pagbagsak ko ang nakikita kong step 1

nagbabalak ako na if bumagsak ako,
magdadahilan na lang ako sa parents ko na ire retake ko na lang yung course ko sa ibang university.

Gustong gusto kong iwasan si Kian, ayaw ko muna syang makita hanggat maaari dahil sa tuwing makikita ko sya, nagsisimula na naman akong maging tanga.

Nag bell na maya maya kaya napagpasyahan na naming pumasok na sa klase.

Exam-exam-exam Puro ganyan, nakakapagtaka na hindi pa din
ako bumabagsak sa mga test kahit pa hindi ako nag review.

Pagkatapos kasi mag exam, chini checkan agad yung papel.

At ito na nga, Philosophy class with my great husband. Pumasok na sya sa classroom. As usual we greeted him he just gave as a nod.

Inayos ang sitting arrangement, at thank god nasa tabi ako ng bintana.

"Okay class, no erasures, no cheating, no whispering, no talking, mind your own paper, if you have any question, ask me. If you fail
this examination. I'll give you a fail mark, understood?" tanong nya.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon