153

1.4K 13 0
                                    


Sofia's POV.

Pinark ko ang kotse ko sa tapat ng
magarang bahay na ito, sa buong
subdivision ay talagang mapupukaw yung atensyon mo ng bahay na ito.

Ang bahay namin ni kian.

Anong oras na, alas nuwebe pasado na pero nagpunta pa din ako.
Kagagaling ko lang sa bahay nila Tita
Sunshine at ito na nga, susubukan ko ng tuparin ang gusto nito na makausap at makita ang panganay nyang anak which is my husband Lanz.

Nag doorbell ako at pinagbuksan ako ni Yaya Minda.

Umaliwalas agad ang mukha
nito ng makita ako.

"Ma'am Sofia!" bati nito sakin.

"Uuwi ka na ba?"

"Yaya talaga, tuwing magkikita tayo, yan ang tanong nyo sakin. Ganun pa din po,hindi pa" sagot ko.

Pumasok na kami sa loob.

"Ay ganun ba, hindi na ko makapaghintay na umuwi ka dito, para lagi ko ng makikita iyong magandang bulinggit" masayang sabi nito.

"Nakita at nakilala nyo na po si klea?"
tanong ko.

Nakangiti syang tumango.

"Dinala ni Sir Kian dito yun nung isang araw at kanina, manghang mangha nga sya dito sa bahay nyo, sabi pa nga nya sana dito na sya umuwi para kasama daw nya
ang daddy nya" sabi nito.

Nginitian ko na lang si yaya dahil wala na kong masabi.

"Nga pala yaya, nasaan si kian?
Kakausapin ko sya" tanong ko.

"Nandoon sya sa loob nung working out room nya" sabi nito.

"Ha? Kelan pa nagkaroon ng ganun dito yaya?" tanong ko.

"Ay oo nga pala hindi mo alam, yun yung stock room dati, nahilig sa pagwo work out yang alaga ko kaya pinaayos nya" sabi nito.

"Ah ganun pala, sige yaya. Puntahan ko na lang sya" sabi ko.

Tumango naman ito sakin kaya naglakad na ko patungo dun sa
kwartong yun.

Kaya pala well toned ang body nya kesa 5 years ago dahil mahilig syang mag work out.

Kaya pala yummy este healthy sya.

Ano ka ba sofia? Pumunta ka dito para mapagkasundo siya at ang pamilya nya,hindi para manyakin sya. Okay?Anong nangyari sa hiya factor mo after ng halikan nyo sa beach? Wala na! Wala na!

Huminga ako ng malalim bago kumatok.Kaso hindi pa lumalapat ang kamay ko sa pinto ay bumukas ito.

At sinong babae nga naman ang hindi mababaliw kapag nakita mo yung ganitong blessings?

Gosh! kian is topless and he's
sweating which made him 10000x hotter.

Pakiramdam ko ay nalunok ang dila ko at hindi ako makapagsalita.

It's getting hot here, pakiramdam ko ay nasu suffocate ako. Air! I need air!

"sofia, what brought you here?" untag nya sakin.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon