CHAPTER 66

1.9K 34 1
                                    


"Ma'am Sofia kumain na kayo ng almusal nyo,ipinagbilin sakin ni Sir Kian na alagaan ko kayo kapag wala sya" sabi sakin ni yaya habang nakahiga pa din ako sa kama.

"Bakit kailangan nya pa kong ipagbilin, hindi ba sya ang asawa ko? Sya dapat ang nag aalaga sakin pero anong ginagawa nya? Hindi sya
umuuwi at parang hangin lang ako kapag nakikita nya" sagot ko.

Umagang umaga napaka emosyonal ko.Pagkagising ko parang gusto ko na lang umiyak
dahil lang sa maaga na namang umalis si kian at hindi ko sya naabutan. Tsk. Parang hindi pa naman ako sanay pero dahil siguro sa buntis ako e, ang arte ko sa konting bagay lang. Madalas din akong antukin, minsan masandal lang ako tulog na din ako. Aish. Miss
na miss ko na si kian. Sya ata ang
pinaglilihian ko.

Hindi ko pa rin sinasabi kay kian na buntis ako dahil obviously busy sya kay Ella. Hindi na ko nagko commute dahil hatid-sundo ako ni kenz. Pinilit nya yun, para daw safe kami ni
baby. Kung si kenz lang sana si kian, e di ang saya ko na.

I'm 9 weeks pregnant.

"Naku Ma'am Fia, wag ka ng magtampo, alam mo namang busy lang talaga yang si Sir kian"

Busy sa trabaho? Baka busy sa
babae! Hmm.

"Panget ba ko yaya? Kaya siguro ayaw sakin ni kian dahil panget ako?" sabi ko.

"Ano ka ba hija, ang ganda ganda mo kaya kahit nung bata pa lang kayo ni kian kaya nga tuwang tuwa ako ng ikaw ang pakasalan nya" sabi ni yaya.

Umupo ako at lumapit sya at sinuklayan ang buhok ko. Si yaya minda para syang si mom. Gustong gusto nya kong inaalagaan. Kung hindi lang sana sya masyadong faithful kay kian,e malamang sinabi ko na sa kanya ang totoo.

Pagkababa ko ng sasakyan ni kenz ay nakaramdam ako ng matinding hilo kaya napakapit ako sa pinto.

"Okay ka lang ba sofia?" nakita kong
nakaalalay agad sakin si kenz. Sobrang worried ng tingin nya sakin.
Unti-unti namang nawawala ang pagkahilo ko kaya nakabwelo ako.

"Okay na ko kenz, medyo sumakit lang ang ulo ko. Pero ayos na wag ka ng mag alala" sabi ko sa kanya. I gave him a assuring smile.

"Sure ka ha? Kung di mo kaya. Iuuwi na lang kita" suggest nya.

"Kaya ko, at isa pa exam ngayon. Sayang naman yung mga nireview ko" sabi ko.

Sa totoo lang ay hindi ako nakatulog kagabi,inantay ko pa kasing umuwi si kian pero late na syang dumating at worst pagkatapos ay umakyat na sya at hindi na lumabas dun. I
missed him.Nag review na lang ako at kinaumagahan nung umalis si kenz ay kasalukuyang naliligo ako
kaya hindi ko sya nakita.

Hindi ako makatulog ng tuloy tuloy this past few days dahil natatakot ako sa mga posibleng mangyari.

"Hi, mukhang pinapahirapan na ni baby si mommy ah. Sige ka magagalit si Daddy kenz" sabi ni kenz habang mahinang nagsasalita.

My cheek turned red. Sobrang natutuwa ako dahil sobrang pag aalaga ang ginagawa samin ni kenz.

"Thank you" sabi ko sa kanya. Nag smile sya sakin.

"Anong gusto mong kainin?" tanong nya sakin. Everyday kasi kapag lunch break nya na is pupunta pa sya dun sa italian restaurant para ibili ako ng Mac N Cheese na pinaglilihian ko.
Nakakatuwa si kenz dahil araw araw yun,walang palya.

"Hindi mo na kailangang pumunta pa dun.Naaabala na kita masyado" sabi ko.

"Who said so?" cool nyang sagot.

"So I'll take  that as Mac N Cheese then?"

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon