CHAPTER 36

1.9K 37 0
                                    


Naguluhan ako, anong wish? Yun bang aalis kami? Before pa ko magtanong ay inabot nya sakin ang mail. Kaya dali dali ko itong tiningnan.

Plane tickets at isang letter.

To: Mr. and Mrs. Reyes

Since it's your semestral break, you both deserve to have a good time. Spend some quality time together. Have fun and of course we want our grandchild! Goodluck to your first honeymoon.

- Mom and Dad

Halos mahulog ang panga ko, okay na sana na binigyan nila kami ng plane ticket at magbabakasyon kaming mag asawa pero yung banggitin pa yung about sa apo at honeymoon.

Naku pasalamat talaga sila nasa ibang bansa sila. Nakakahiya pero at the same time nakaka excite.

Totoong first honeymoon namin to,
dahil nung kinasal kami hindi naman kami nag honeymoon dahil we all know na napipilitan lang si Kian at masyado pa kaming bata
nun.

Na e excite ako kasi I will have kian
all by myself for a couple of days baka ito na yung hinihintay kong pagkakataon. Kung saka- sakali baka dahil dito mag work out ang marriage namin.

"I guess you better start packing now" sabi ni Kian.

"Ha bakit?" awtomatiko naman akong napatingin sa plane ticket at naka indicate na oras ng flight nito.

It's dated tomorrow at 4:30am? What?! Ganun kaaaga?! Nagbibiro ba ito? Hindi na ko makakatulog dito. Pero actually, hindi rin naman ako makakatulog dahil sa excitement. Napahinto ang pagmununi ko ng tumayo na si
Kan, siguro para na rin mag ayos ng
gamit.

Can this be the key? Will this lead me to our happily ever after or will it end to another heartbreak and rejection
that I might not take anymore?

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon