127

1.5K 16 0
                                    

Ngumiti lang sya at umiling.

"It's a surprise"

Iniisip ko naman kung ano yung sinasabi nyang surprise kaso napatingin ako sa ice skating ring dito sa mall.

"Marunong ka?" kian asked me.

Umiling ako. Nagulat ako ng hilahin nya ko and before I knew it nandito na kami sa entrance ng ice skating ring.

Nagbayad na sya ng ticket at umarkila na din sya ng skating shoes.

"Kia., ayoko" sabi ko habang mahigpit ang hawak ko sa skating shoes na hindi ko pa din nasusuot.

"Why?" he asked.

"Hindi nga ako marunong! Pano kung madapa ako sa harap ng maraming tao?Nakakahiya yon! Basta ayoko!" sabi ko.

Nagulat ako nung kunin nya ang skating shoes sa kamay ko.

Nagulat ako ng lumuhod sya at tinanggal ang stiletto ko.

"A-ano bang ginagawa mo?!" sigaw ko sa kanya.

"Sshh you're too noisy, you're getting people's attention" sabi ko.

Tumingin naman ako sa paligid at nakita kong nakatingin nga sami ang mga tao.

"Ang sweet naman nung guy, sya pa
nagsuot dun sa girl"

"Bagay na bagay sila"

"Pero parang namumukhaan ko yung lalaki e"

"Ako din pero I'm sure I've seen him
somewhere"

Panay ang pag uusap ng tao sa paligid namin but kian pretended not to hear them. At nagulat ako ng suot ko na nga ang skating shoes pero nanatili pa din akong nakaupo sa bench.

"Tara na" yaya sakin ni kian.
Umiling ako.

"Ayoko talaga kian, natatakot ako"
sabi ko.

"Don't be. I won't let you fall, sa tingin mo ba hahayaan kitang masaktan?"

Tumambol na naman ang puso ko.
Hindi mo nga ba ako hahayaang masaktan kian? Kung ngayong kababalik mo pa lang sa buhay ko nasasaktan na agad ako.

In the end, I gave my hand to him.

"Ayoko na, ayoko na! Babagsak talaga ako"sigaw ko sa kanya nung nasa ice skating ring na kami.

"Humawak kang maigi, don't worry pag bumagsak ka, babagsak din naman ako"nakangiting sabi ni kian.

Nung una ay gegewang gewanga ako at para bang any minute ay babagsak ako pero nung kinalaunan nung gina guide ako ni kian ay medyo nakakaya ko na hanggang sa

"Ayan kaya mo na" masayang sabi ni
kian. He's smiling like a kid and that
makes him 1000x more handsome.
Tuwang tuwa sya dahil nababalanse ko na mag isa ang sarili ko.

"Wow ang galing" sabi ko dahil hindi na ko bumabagsak. Ang dali lang pala, pero bakit hindi ko agad to natutunan? Wala nga pala akong panahon sa ganito dahil ang ginawa ko lang is habulin ng habulin
si kian.

Pagkatapos naming mag ice skating ay binili ako ni kian ng ice cream.

I insist na ako na ang magbabayad yet pinilit nyang sya.

And you know what's awkward? Habang kumakain ako ng ice cream e nakatitig lang sya sakin.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon