CHAPTER 38

1.9K 23 0
                                    


Sofia POV.
We're finally here! Nagtatakbo ako sa
buhanginan.

"OMG! OMG! Ang ganda talaga dito sobra!" sumisigaw kong sabi.

"Keep it down sofia, di kailangang sumigaw. It's not like it's your first time here" sabi ni kian.

"Kahit na, namiss ko mag boracay no! Ang last na punta ko dito is hindi pa tayo kasal, kaya tuwang tuwa akong makabalik dito" sabi ko habang sinisipa sipa pa ang buhangin.

Hawak ko ang sapatos ko na hinubad ko, pagkababang pagkababa ko ng sinakyan namin.

"Whatever. Pwede bang mag check in na muna tayo, kasi mabigat yung bag mo, mukhang totoo yung sinabi kong dinala mo ang bahay" sabi nya.

Ay oo nga pala. Nag peace sign ako.
Tumalikod sya at sumunod na ko sa kanya papasok sa hotel. Nasa likod lang ako ni kian habang papasok sa hotel. Mangha mangha ako sa itsura at linis ng hotel pero nawala ang ngiti sa labi ko ng makarating kami sa front desk.

Ngiting ngiti yung staff kay kian. Inipit pa nito yung buhok nya sa gilid ng tenga nya. Halatang nagpapacute.

Kung warfreak lang talaga ako, sinabunutan ko na agad to.

"Hi, good morning sir! How may I help you today?" sabi nito. May ps how may I- how may I help you today pa syang nalalaman. Bakit pwede ba yung how may I help you
tomorrow? Bwisit.

Nakita kong may binulong sa kanya ang isang staff.

"I'm sorry to inform you sir but there's no more room vacancy but I know a place where you can stay" sabi nito sabay bigay ng seductive look kay kian.

"I'm also sorry to inform you miss whoever you are that I am not here to flirt you, I am here with my wife" tumingin si kian sakin kaya tumabi ako sa kanya.

"We have a reservation under the name of Mr. And Mrs. Reyes. Can we have the key, so that you can stop whatever foolishness you are doing"
Spell savage? Gusto kong tawanan ng matindi yung babae kaso hindi na lang sobrang pagkapahiya na ang inabot nya sa Kain ko e.

OMG! Kinikilig ako sa I'm here with my wife. Feeling ko tuloy ang ganda ganda ko which is 99% true haha

"I apologize ma'am and sir. Here is your key" binigay nya kay kian yung susi at kinuha naman ito nun.

Buti na lang talaga, sagot nila Mom and Dad tong honeymoon kiyeme namin dahil bukod sa sagot na nila plane ticket namin, pati hotel reservation ay sila na ang bahala.

Kung nagkataon wala kaming tutuluyan dahil peak season ngayon dahil nga sembreak. Pero isa lang ang susi? Nanlaki ang mata ko sa
realization, Iisa lang ang susing inabot kay kian. Ibig sabihin, Iisa lang ang kwarto? Magshe share kami? Totoo ba to? OMG. Makakasama ko sa iisang kwarto at isang kama si kian for couple of days. Namula naman ang mukha sa realization ko na yun.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon