(MHMP) CHAPTER 24

2.1K 37 0
                                    

Chapter 24

Sofia pov.
Pakiramdam ko sobrang lutang ko ngayon, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa sama ng loob dahil sa mga pinagsasabi sakin ni Kian kagabi, pakiramdam ko nga iiyak pa
din ako anytime.

Nasa parking lot na ko ng school. Kaka park ko lang ng kotse ko pero parang gusto ko ng umuwi.

Ayoko na munang makita si Kian
kahit sa klase mamaya. But in the end, lumabas pa din ako ng sasakyan ko. Nagulat pa nga ako ng salubungin ako ni Kenz.

"Are you okay?" tanong sakin ni Kenz.

"I'm just not feeling well, that's all"
pagsisinungaling ko pero partially true medyo masama talaga ang pakiramdam ko.

"Can we talk Aki?" nakita ko ang seryosong mukha ni Kenz, nakakapanibago pero buti na
lang ngumiti sya kaya napangiti na din ako.

"Oo naman, about san ba? San tayo may almost 1 hour pa ko bago mag start ang klase" sagot ko.

Hindi na sya nagsalita at hinila na lang nya ko. Nagulat ako ng pasakayin nya ko sa kotse at since may nearby park dito dun kami
pumunta.

Tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko para bumaba pero pinigilan ako ni Kenz.

"Dito na lang tayo mag usap" sabi nya.

"Okay sige, about san ba pag uusapan natin?! ewan ko ba pero parang kinabahan ako bigla.

"I like you Sofia"

"I like you too Kenz, you are such a good friend" sagot ko. Totoo, napakabait nyang kaibigan kaya masaya akong naging magkaibigan kami.

"No, you don't get it. I like you and worst I feel like I am falling inlove with you"

Para akong naparalisado sa sinabi nya, did I just get a confession from him?

"Cloud, nagbibiro ka ba? Tama na joke" tumawa pa ko para ma alis ang pagka tense ko.

Madalas naman na may nagko confess sakin pero napakadali lang nilang bastedin para sakin dahil nga kay Kian. Ayoko ng may malilink saking lalaki dahil si Kian lang ang
gusto ko.

Pero ngayon iba, hindi ko agad agad sya maturn down at di ko agad masabi na wala syang pag asa maybe dahil naging magkaibigan
kami, maybe dahil iba si Kenz sa lahat ng nagkagusto sakin.

Kenz is a perfect guy, every girl will be lucky to have him. Kung hindi lang ako kasal at hindi si Kian ang mahal ko, malamang nagtatatalon na ko sa tuwa ngayon.

Pero iba ang sitwasyon. Alam ko sa sarili ko ang dapat gawin.

"I'm not kidding Fia, I like you ever since we ever first met" tinitigan ako ng seryoso ni Kenz.

"Kenz, youre a great guy, any girl will be blessed to have you, but I am really sorry but I am turning you down. Mas okay na magkaibigan lang tayo at hindi na hihigit pa doon"

Umipon talaga ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya yun. Ayoko namang umasa sya sakin.

"Why?" tanong nya.

At ito na, hindi ako makapagbigay ng rason. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na may asawa akong tao diba?

"Is it because of Sir Kian?" Halos mapatalon ako sa upuan ko ng banggitin nya ang pangalan ni Kian. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko na pakiramdam ko sasabog ito.

Teka? May alam ba sya samin? Nagkwento ba si Althea? Alam nya ba na hindi nagwo work out ang
pagiging mag asawa namin ni Kian kaya ngayon nililigawan nya ko.

Pakiramdam ko iiyak na naman ako, tinamaan na naman kasi ako ng katotohanang, kasal nga kami pero hinding hindi nya ko mamahalin.

"Pano naman nasama si Sir Kian dito?" I faked a laugh to deny it. Pero pakiramdam ko din iiyak ako.

Grabe ang mixed emotions ko ngayon. Marahil sa puyat at pagod.

"Hindi ba si Sir Kian ang sumundo sayo kagabi? Don't tell me he's your dad?" nakatitig ng diretso sakin si Kian.

"Ano ba Kenz? Pano mo naman nasabing si Kian, I mean Sir Kian ang nagsundo sakin kagabi e umalis na kayo nun"

"Bago kami umuwi napagdesisyunan ni Josh na mag stop buy muna kami sa isang kainan dahil nagugutom daw sya. Hindi pa kami nakakalayo nun sa mall, kaya naisipan kong balikan ka to check if nasundo ka na. Nag aalala kasi ako na baka mapano ka. Althea tried to stopped me which is I don't get the reason why pero nagpatuloy pa din ako. Binalikan kita. Nakita kita sa entrance ng mall nakatayo, mag yu-U-turn na sana ako ng may humintong sasakyan sa harapan mo at bumaba mula dun si Sir Kian, I even see that you are having a tensed situation. He even opened the door for you, so tell me Sofia, what is your relationship with him?"

Nabigla ako sa lahat ng sinabi nya, hindi ko alam na nakita nya pala kami ni Kian kagabi. Hindi ko alam anong sasabihin ko. Pakiramdam ko iiyak na talaga ko dahil sa halu-halong kaba at takot. Kinakabahan ako sa pwedeng gawin ni Kenz pag nalaman nya kung ano ang relasyon ko kay Kian at natatakot ako na pag nalaman ni Kian na may nakaalam tungkol sa kasal namin ay baka hiwalayan nya na talaga ako.

"Don't worry Sofia, your secret is safe with me.

Wag kang mag alala wala akong gagawin na makakasakit sayo dahil mahal kita" sabi ni Kenz

He is so sincere at nako konsensya ako dahil napakabait nya pa din.
Tumulo na ang luha ko.

"I'm sorry Kenz"

"Don't be. It's okay. Don't cry" pinunasan nya ang mga luha ko.

"Kian, he is my husband. We're married"

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon