"At hindi ko din sya expected. Peak season ngayon, alam mo naman yun. So limited ang kwarto.
Mukhang yung apat na employee mo na biglang sumama ay makiki share ng room"Napag usapan kasi na two person in one room kaya iniisip ko kanina pa din kung saan ilalagay tong apat na empleyado ko na biglang sumama.
Pero mukhang may magta-tatlong tao eh kada room. At ang problema ko pa ay itong si kian.
Bwisit. Hindi naman kami pwedeng mag share ng room ko kahit pa mag isa lang ako don.
Napa sigh ako.
"Don't worry. Tayo na lang mag share ng room, at si kian and Josh na lang dun sa room namin dapat ni Josh" sabi ni thea.
"Sure ka ba? Okay lang ba yun kay Josh? Baka magalit sya" sabi ko.
"Konti na lang iisipin ko na gusto mong makasama si kian sa isang room. Hoy akala ko ba hiwalay na kayo baka mamaya pag nagsama kayo e magkaroon ng bagong baby"
Nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi ni thea kaya nahampas ko sya at napa aray naman sya.
"Siraulo ka, kung anu ano ang pinag iisip mo!" sabi ko sa kanya. Tumawa naman sya.
"Joke lang naman pero seryoso, okay lang naman kay Josh yun pag sinabi ko. Atsaka namiss kita. 5 years kang nawala. It's time para mag bond. Madami kang dapat ikwento
sakin" sabi ni thea.Hindi pa rin pala alam ni Althea ang tungkol kay klea, malamang makalbo ako pag nalaman nya yun. Nagdadalawang isip tuloy akong sabihin lalo na't asawa nya si Josh na halos bestfriend na ni kian.
Tumango na lang ako ngumiti. Magka angkla ang braso naming pumasok sa loob ng hotel nila.
Nung mabigay ang assigned rooms sa aming lahat ay nagsi akyat na kami para malagay at maayos ang mga dala naming gamit.
Nagsuot na lang ako ng black na two piece at pinatungan ko ito ng cover up. Palabas na sana ako dahil nakalabas na din si thea ng makatanggap ako ng text mula sa kampon ni lucifer.
From: KIAN
Dearest wife, don't even think of wearing a swim suit, if you don't want me to kill all the man down here. Ayaw mo naman sigurong
mawalan ng mga empleyado right?Ps. I'm dead serious
WTF!
Bwisit na kian. Bwisit! Bwisit!
At kahit na anong inis ko ay nandito pa din ako sa banyo at nagpapalit na.Kilala ko sya, mabilis syang mainis lalo na kapag hindi sinusunod. Ayoko namang manapak sya ng empleyado ko. Mahirap na.
Ending lumabas ako ng naka shorts at polo na parang crop top dahil tinatali ito. Hindi na lang ako magsu swimming. Bahala na nga!
Pagbaba ko ay nag diretso na ako sa beach mismo. Nakita kong nandoon na halos lahat ng empleyado namin.
At hindi sa kalayuan ay may nakita akong god na bumaba mula sa olympus. Kapatid ata to ni Ares e. Joke lang!