CHAPTER 95

1.8K 24 1
                                    



At sa kamalas malasan talaga.
Huminto pa ito.

"Fvck" I heard him cussed. Pinindot nya yung emergency button.

"Yes sir?" sagot ng lalaki sa intercom

"We're stuck. Kindly send the maintenance here and get us out of here quickly" galit na sabi ni kian.

"Yes sir, right away"I heard him sighed.

Namatay pang bigla ang ilaw at yumugyog ang elevator kaya napakapit ako sa kay kian.

"Don't worry, I got you" sabi nya kahit hindi ko sya nakikita dahil sa dilim, alam kong nakangiti sya.

Mabilis akong bumitaw sa kanya.

"Tse" Yun na lang ang sinabi ko.

Mga 30 minutes na kaming nandito sa loob yet hindi pa din naayos. Nakakailang buntong hininga na nga si kian e. Dahil din sa walang kuryente dito sa loob ay hindi na sya
makapag reklamo dun sa may intercom.

"Sofia" tawag nya sakin. Hindi ako sumagot.

"I am really sorry for what happened"

"Hindi mo kasalanang ma stuck tayo dito sa elevator" sagot ko.

"That's not what I mean, I'm sorry for hurting and pushing you away 5 years ago, sorry for blaming you for our child's death. I am just so
devastated dahil dun ko lang nalaman na buntis ka pala talaga at nalaman ko lang nung patay na ang bata and I know that it wouldn't
happen if I just chose you. If I didn't cheat and chose Ella. I am so sorry for hurting you,for making you cry every single time that you are with me. I know, I don't deserve you, I
know you have kenz. But just so you know, I love you and I will do everything to have that chance to be with you again" sabi nya.

Hindi ako nagsalita. Tulo lang ng tulo ang luha ko. Hindi ko alam parang sinasaksak ang puso ko habang naalala ko ang mga nangyari noon
pero at the same time natutuwa ako dahil sa sinasabi ni kian. Akala ko ba naka move on na ko, mukhang hindi pa rin pala talaga.Pinipigilan kong humikbi para hindi nya malaman na umiiyak ako. Pero nagulat ako ng yakapin nya ko.

"Sssh. Don't cry, I'm sorry" sabi nya. He even planted a small kiss on the top of my head.

"Hindi mo alam kung gano mo ko nasaktan kian, ang sakit sakit sobra" sabi ko.

That 3 years of my life is hell and yet here I am in the arms of the man that brought me that pain. I'm insane.

Ilang minuto din bago humupa ang pag iyak ko. Hindi na ko yakap ni kian.Nakakapagtaka ang bigla bigla nyang pananahimik.

"kian?" pagtawag ko sa kanya.

"Hmm" ungol lang ang sinagot nya kaya agad ko syang nilapitan at nagulat ako.

"You're burning" sigaw ko. Nilalagnat pala talaga sya kaya pala kanina ko pa nararamdaman na mainit sya. Nagpa panic na ko dahil pakiramdam ko ay nanghihina na talaga sya. And thankfully bumukas na ang ilaw at bumukas na din ang elevator.I helped kian stood up.

Sinalubong agad kami ng mga bodyguards nya.Inalalayan agad sya ng mga ito.

"Sige na sofia, umuwi ka na. Kaya ko na" nanghihina nyang sabi.

I am a fool really pero I need to do this. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko alam na okay sya.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon