"Ano namang ayaw mo sa kanya? Ella is a nice person, once na makilala mo sya at makasundo, malalaman mo how wonderful she
is" sabi ko."Tsk. Whatever basta ayoko sa kanya"
"Why nga? May ginawa ba syang masama sayo?"
"Wala naman. Ewan. Instinct ko lang. Opinion ko naman yun. As long as she's not doing anything to hurt or harm you. I'm fine with her" sabi nito.
Napangiti naman ako sa sobrang pagka protective sakin ng bestfriend ko.
"Trust me, and trust her, hindi gagawa si Ella ng makakasakit sakin" I assure her.
Nag smile lang sya sakin. Narinig namin ang bell na hudyat na malapit na mag start ang klase namin.
Dumaan na muna sa powder room si althea kaya nauna na ko para pumunta ng room. Nakita kong makakasalubong ko si Ella kaya
nag wave ako sa kanya pero parang di nya ko nakita, nilagpasan nya lang ako. Parang ang lalim ng iniisip nya. May problema kaya? Dadaanan ko na lang sya sa office nya bago
ako umuwi.2 hours lang naman ang klase kaya mabilis lang natapos. Nagpaalam na si althea sakin na mauuna na syang umuwi dahil wala syang balak talagang makipag close kay Ella. Ewan ko ba sa babaeng yun.
Nung makarating ako sa office ni Ella ay kumatok ako."Come in" narinig kong sabi nya.
"Hi Ella!" bati ko sa kanya.
Nagtaas naman sya ng tingin at ngumiti sakin.
"fia! Thank goodnesss you're here, kahit papano mababawasan ang stress at pagka badtrip ko" sagot nito sakin. Umupo naman
ako sa harapan nya. Nakita kong nakatingin sya sa kwintas na suot
ko, ito yung regalo na nakuha ko sa locker ko yung may pendant na sun at may note na hindi ko naman maintindihan."Your necklace looks familiar, parang nakita ko na sya sa kung saan" sabi nito.
"Talaga? Alalahanin mo, hindi ko kasi kilala kung sino ang nagregalo sakin nito pero sobrang nagandahan ako at magpapasalamat lang ako." sabi ko.
"Sige susubukan ko, kapag hindi na ko inis"sabi nya at tumawa.
"Bakit ka ba kasi naba badtrip. Kanina hindi mo ko napansin sa sobrang lalim ng iniisip mo. Care to share?"Nag sigh sya.
"Sorry fia ah, hindi ko meant na hindi ka pansinin. Hindi siguro kita napansin"
"Wala yun, naiintindihan ko. Ano ba kasing problema?"
"Aish! Nakakainis kasi yung boyfriend ko. I asked him to stay at my condo at dun na matulog pero tinanggihan nya ko. Ilang araw
na syang ganun. Nakakainis. Namimiss ko lang naman sya""Wait? Iniimbitahan mo ang boyfriend mo sa condo mo? Meaning ba nito madalas sya dun
nag i stay sa condo mo?" tanong ko.
For unknown reason parang naging interesado ako sa lovelife ni Ella at kasabay pa nito ay ang pagkabog ng dibdib ko. Creepy."Yep. Kulang na lang ang marriage certificate at legal na kaming mag asawa. Para na kasi kaming ganun. But he is making me furious.
Nasobrahan ata ako sa inis at nagpaka OA ako. At winalk outan ko pa sya kahit na nagpapaliwanag sya. Dapat ba ganun ang ginawa ko? Hindi kasi sya sumasagot sa mga
tawag ko. Nag aalala ako. Baka may nangyari na sa kanya""Tsk. Wag ka ngang negative Ella. Baka nakatulog lang yun, for sure, tatawagan ka nun pagkagising nya. Magkakaayos din kayo. Diba
nga sabi mo. Mahal ka nya?""Sobra at ganun ko din sya kamahal"
Ngumiti pa sya pagkasabi nun."Ayun naman pala e, just talk about it once na nag cool down na kayo" advice ko.
"Okay. Thank you talaga sofia ha? Buti na lang nandyan ka"
I smiled on her.
"Wala yun. What friends are for?"
Nagtagal din ako ng ilang minuto sa office ni Ella bago napagdesisyunang umuwi. Umaambon na habang naghihintay ako ng taxi pero ang swerte ko at nakasakay na ko ng bumuhos ang malakas na ulan.Pagkababa ko sa tapat ng bahay ay nagulat ako ng makita ang sasakyan ni kian. Ang aga naman ata nyang umuwi ngayon.
Pagkapasok ko sa loob ay mas nagulat ako ng makita si kian na tulog sa couch. Nilapitan ko sya para gisingin pero pagkahawak ko ay
basa ang damit nya at"OMG kian, inaapoy ka ng lagnat!"
"Hmm" tanging ungol lang ang sinagot nito sakin. Amoy alak din sya. Tsk. Uminom tas naligo sa ulan. Pasaway.
"Yaya patulong naman po!" sigaw ko. Pabagsak naming hiniga si kian sa kama nya, seriously ang bigat nya pala.
"Yaya, pakuha naman po ako ng bimpo, alcohol at maligamgam na tubig" utos ko sa katulong namin.
"Sige po Ma'am fia" sabi nito.
Nagsasalit salitan ako ng tingin sa batsang nasa harap ko na may bimpo at kay kian.
Ugh kaya ko ba?
Hell yeah fia, it's not like the first time na makikita mo ang katawan nya
Tsk. Sigaw yan ng utak kong pasaway. Umiling ako. Its now or never. Tinanggal ko ang pang ibabaw nya at magsisimula na sana
akong punasan sya ng magulat ako ng bigla syang umupo."ki-kian, pupunasan lang kita" sabi ko.Defensive na kung defensive baka mamaya isipin nya nire rape ko pa sya. Nagulat ako ng halikan nya ako sa labi. Ang init nun, marahil ay dahil sa may sakit din sya.
Magrerespond na sana ako ng magsalita sya.
"Sorry Dani, I love you, I love you Dani" sabi nya bago bumagsak ulit sa kama at nakatulog ako.
Hindi ko napigilan ang mga luhang lumandas sa pisngi ko.
Hinalikan ako ni kian? I should be happy right?But NO. He did kissed me pero ibang babae ang tinatawag nya at worst sinabi nya pang mahal nya to. Parang nilalamutak ang puso ko.
May babae ba si kian?
Sino si Dani?
Tulo ng tulo ang luha ko habang inaasikaso sya. Nagawa ko namang matapos iyon. Ewan ko nga pano ako huminto pansamantala sa pag
iyak para hindi nya makita dahil pinainom ko sya ng gamot.Balak ko sanang dito na sa tabi nya
magpahinga pero heto ako ngayon. Nasa kwarto ko at nag iiyak.May karapatan ba kong magalit o magtanong?
Sino yung babaeng yun?
Anong meron sya na wala ako?
Dani? Who the hell is she? Sya nga yata ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ako kayang mahalin ng asawa ko.