(MHMP) CHAPTER 16

2.4K 47 0
                                    

Continue 16

Tatapang ka kasi talaga kapag si Kian ang asawa mo. Para ka kasing may everyday duel sa isang dragon.

Sumilip ako ng bahagya sa pinto. Laking gulat ko ng makitang may ibang tao sa loob at mukhang hinahalungkat nya ang gamit ni Kian. Dahan dahan kong pinindot ang emergency buzzer na meron kami dito sa bahay.

Bawat bahay dito sa subdivision na to ay may emergency button na kapag pinindot mo magbibigay signal sa mga guards at pulis na
rumesponde sa bahay nyo.

Aalis na sana ako ng makita kong binuksan nya ang drawer at kinuha ang box ng wedding ring namin. Nakita kong iba bag nya na ito kaya di na ko nag atubili pa.

"Hoyy! Ibalik mo yan!" sigaw ko. Nagulat sya sa bigla kong pagsulpot at pagsigaw. Kaya nabagsak nya yung ring box na dali dali ko namang pinulot, sabay takbo.

"Hoy bata! Bumalik ka dito!" rinig kong sigaw nito. Takbo lang ako ng takbo hanggang makababa na ko ng salas. Kaso kamalasan! bigla akong nadulas kaya naabutan nya ko. Dali dali akong tumayo at tinago sa bulsa ko ang singsing.

"Manong, please kunin nyo na lahat, wag lang tong singsing" pagmamakaawa ko pero sa totoo lang kinakabahan ako.

Nakakatakot yung itsura nya. Ang laki nyang tao at nanlilisik ang mata nya.

"Masyado kang atribida! Kaya ito ang nararapat sayo!" yung sumunod nyang ginawa ang syang lubos na nakapagpagulat sakin.

I screamed in pain.

Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa lapag at unti-unting pagdilim ng paningin ko.

KIAN POV.
"I told you I cannot stay here tonight Ella" I told to Ella my 3 years girlfriend.

Girlfriend ko na sya bago pa kami maipakasal ni Sofia. Nakilala ko sya nung college days pa lang. Hindi ko kayang hiwalayan si Ella kaya hindi ko na lang sinabi sa kanya na may asawa ako at nagpakasal ako ng lihim, at for unknown reason di ko alam kung bakit wala akong guts para sabihin kay Sofia ang about
kay Ella.

"Please naman babe, dito ka na mag stay. Minsan ka lang naman mag sleepover dito, usually dun ka naman sa office mo" pagmamakaawa sakin ni Ella.

Totoo yun, yung mga gabi na hindi ako umuuwi sa bahay. Sa opisina talaga ako tumutuloy. Ewan ko sa 2 years naming kasal ni Sofia kahit kelan di mabasag basag ang awkwardness at parang malaking pader na nasa pagitan naming dalawa. Pwede naman kasi kaming maging magkaibigan kaso alam ko
naman yung feelings nya para sakin. I just don't want to give her false hope. Baka mas lalo syang umasa na may patutunguhan ang relasyon namin na to. Ewan ko ba sa babaeng yun, parang walang pride.

"Ella, I can't. I'm going" nakita kong
lumungkot ang mukha nya, pero merong parte sa sarili ko na gustong gusto ng umuwi.

"Fine. Take care okay? I love you"

"Thanks. I love you too" I kissed her in the forehead before I go.

Mabilis din naman akong nakarating sa subdivision namin. Papasok na ko at dadaan na sa guard house.

Nakita kong pinapahinto ako nung guard. Nakakapagtaka naman dahil kilala naman nila ang sasakyan ko. Huminto ako at binaba ang bintana ng sasakyan ko.

"Manong, ano pong problema?"

"Ay Sir Reyes. Nasa bahay nyo po ba ang misis nyo?" tanong nito

"Siguro po. Bakit?"

"Kasi sir, may nag ring po ng emergency button sa inyo,
nagpunta na po ang respondents namin sa bahay nyo. Mag ingat na
lang po kayo pauwi"

Kinabahan ako bigla kaya dali-dali kong nagmaneho pauwi. Hindi ko alam pero nanginginig ako habang nagmamaneho ako.

Malayo pa lang ako ay tanaw ko na ang sasakyan ng pulis. Mukhang nagkakagulo sila.

Pagkapark na pagkapark ko sa tapat ng bahay ay dali dali akong bumaba. Nakita kong may inilabas silang naka posas na lalaki.

"Nasan si Sofia? Nasan ang asawa ko?" nag aalala kong tanong sa mga pulis.

"Pasensya na Sir------

Hindi pa man din nya natatapos ang sasabihin nya ay pumasok na ko sa loob ng bahay.

Sa unang beses sa buhay ko ay nanginig ang tuhod ko.

Si Sofia, nakahiga sya sa lapag, walang malay at duguan. Pinalilibutan sya ng mga guards

"What are you staring at?! Bakit wala kayong ginagawa?! Magsitabi nga kayo!" sigaw ko. Hindi na ko nagdalawang isip at binuhat na si
Sofia.

While driving her to the hospital. I can't help but curse at myself. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat ng ito. Masyado akong naging pabaya, kahit pa hindi pagiging asawa ang maging trato ko sa kanya dapat man lang hindi ko sya pinabayaan.

You are so damn selfish Kian.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon