"We're here" sabi nya at nakita kong
bumukas na ang gate ng mansyon nila.Pumasok na ang sasakyan nya doon sa loob at nag park.Pagkababa namin ng sasakyan ay
sinalubong agad kami ng isa sa mga
katulong dito."Sir kenz, sabi po ni madam, sa sala na daw po kayo dumiretso, doon po sila naghihintay" sabi nito.
"Sige salamat" sagot ni kenz dito.
Pumasok na kami sa loob at nag diretso sa sala.
Nakita kong nakaupo doon si Tita
Sunshine at Tito Saros. Tita is looking depressed. Masama pa naman kapag dinadamdam nya ang mga bagay bagay."Ma" sabi ni kenz. Napatingin ang mag asawa samin. Nakita kong ngumiti silang dalawa nung makita ako.
Tumayo agad si Tita Sunshine at
sinalubong ako ng yakap. I hugged her back."Mabuti naman at sumama ka sofia"
nakangiti nyang sabi pero ramdam ko ang pagkabahala nya.I smiled at her, I can't believe, I am
actually close to kian's real mom."Kayo pa ba tita? Hindi ko kayo
matatanggihan" sabi ko.Nakita kong umupo si kenz sa tabi ni Tito Saros at nag usap sila.
"Salamat sofia, no wonder my two boys fell head over heels to you" sabi nya.
"Ikaw talaga tita, mapagbiro ka" sabi ko.
Ni lead nya ko para maupo ako sa sala.
"Pero hindi kailangan gawin ni sofia yun,kung ayaw satin ni Kuya lanz I mean kian, let him be!" medyo tumaas ang boses ni kenz.
"kenz calm down!" suway ko dito dahil magulang nya pa din itong mga ito.
"Sorry ma, pa" sabi ni kenz.
"Fia, we need your help" sabi ni Tito
Saros."Basta ba kaya ko po, ano po ba yun?"tanong ko.
"Si lanz kasi which is kian now, he's
mad at us. He doesn't even want to meet us. Hindi sya nagalit dahil pina ampon namin sya, nagalit sya dahil nung mga panahong hinahanap nya kami, hindi nya kami mahanap" malungkot na sabi ni Tita Sunshine."Ha? Bakit po?"
"Nagpalit kasi kami ng apelyido hija, dahil din lumalago na ang business namin and our family has a bad reputation way back then, kaya nagpalit kami ng apelyido" Tito
Saros."Hindi ko alam na hinahanap nya pala kami and nung hindi nya kami mahanap naisip nung kian na yun na kaya kami nagpalit ng apelyido is because ayaw naming mahanap nya kami" kenz.
"Pasensya na po kayo, alam kong hindi nyo maiintindihan si kian, pero kaya sya ganun kasi maaga din pong namatay ang adoptive parents nya dahil sa car accident, magkababata kami kaya alam ko how much he longs for a family"paliwanag ko.
Nakita kong napatakip si Tita Sunshine sa bibig nya at umiyak.
"My poor lanz, he must've felt so
miserable and we're not there for him"sabi nito."Kasalanan ko naman, kung hindi ako sakitin noon, hindi nyo ipapa ampon si kian" sabi ni kenz.
"But there's one thing you didn't know kenz" saad ni Tito Saros kaya napatingin kami sa kanya.
"Nung panahong nasa ospital ka, tinanong namin si lanz nun kung okay lang bang ipa ampon ka na lang sa mayamang pamilya para maipagamot ka, but your kuya insisted na sya na lang ang ipa ampon dahil masyado ka pa daw
bata, kailangan mo pa daw ang mama nyo.Bago namin sya ipa ampon nun, pinilit nya kaming mangako na balikan sya at
nung may kakayahan na kaming balikan sya, wala na. Hindi ba na namin mahanap si kian. It turns out he's Kian Reyes" sabi ni Tito Saros.Napatingin ako kay kenz. Nakayuko sya.He must be feeling guilty and I can't do anything about it.
Umiiyak pa din si Tita Sunshine."Sofia, I'm begging you. Please help us"sabi ni Tita Sunshine. Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa kamay. "Please help us get back our lanz" sabi nito.
Pakiramdam ko mommy ko ang nasa harapan ko at nalulungkot ako pag may umiiyak na ina. Dahil isa na din akong ina.
"Sige tita, I will help you" sabi ko na lang.
Nakita kong ngumiti si Tita Sunshine at Tito Saros.
"Fia" tawag sakin ni kenz.
Nginitian ko sya.
"Okay lang kenz. Kaya ko si kian"
sabi ko dito.Well, kakayanin ko nga ba? Gaano nga ba kahirap pakiusapan ang isang kian? I know he would not give up easily, so am I. I will do everything to fix his relationship with his family. Especially the
relationship between kenz and , his
brother.