168

1.3K 15 1
                                    

"Out of 120 passengers 90 pa lang ang nakukuha naming survivors. 18 katao na ang patay. The remaining 12 people ay still missing at kasama doon si Mr. Reyez. Sorry to say this pero kung hindi sila makikita ngayon hanggang bukas ng umaga, they are good as dead" sabi nito.

Napatumba ako sa isa mga upuan dahil nawalan ako ng lakas. Agad namang lumapit sakin si kenz.

"kenz, si kian" nag uunahan ng
pumatak ang luha ko.

"Tahan na fia, mahahanap natin sya.
Uuwi sya" sabi nito.

Tumayo si kenz at hinarap muli ang
rescuer habang patuloy lang ako sa pag iyak.

Hindi ko kayang wala si kian.
Anong sasabihin ko kay klea?
Anong gagawin ko kapag wala na talaga sya?

Just the thought of it ay parang dinudurog ang puso ko.

"Wag mong sabihin na ang mga nawawala ay good as dead kaya nga kayo nandito diba? To rescue them. Kung pera lang din naman ang problema nyo, equipment etc.
Our family will foot the bill" galit na sabi ni kenz. Hinawakan nya sa damit yung rescuer.

"Don't give up until you find my
brother. Find him!" atsaka nya binitawan ang damit nito.

Nag-usap pa silang dalawa pero para na kong nabibingi dahil puro negative thoughts na ang pumapasok sa isip ko.

Nabalik lang ako sa realidad ng inakay ako patayo ni kenz.

"Iuuwi na kita fia" umiling ako.

"Ayoko, dito na lang ako kenz baka
biglang dumating si kian" sabi ko.

Gusto ko ako ang una nyang makita.
I want to hug him tightly.

"Fia, hindi maganda para sayo na nandito ka. Tara na. Iuuwi na kita. Tatawagan naman nila tayo kapag may balita na kay kian" sabi ni kenz sakin pero muli akong umiling.

"Wag, ayokong umuwi dahil kapag nakita nila na ganito ako, they will question me at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.Baka mag break down ako and I can't afford to let klea see me like that and to know about what happened to his dad"
sabi ko na patuloy na umiiyak.

"Okay, doon ka na muna sa bahay namin.Mas mapapakalma ka ni mama" sabi nito

kaya tumango na lang ako.
Inaalalayan pa rin ako ni kenz hanggang makasakay kami ng kotse dahil pakiramdam ko ay na drain ang energy ko dahil sa balita.

Buong biyahe ay umiiyak ako pero
pakiramdam ko ay naubos na ata ang luha ko kaya kahit nung malapit na kami ni kenz sa bahay nila ay nakatulala lang ako.

Wala sa sarili akong lumabas sa sasakyan at pumasok sa loob.Kinakausap ako ni kenz pero hindi k maintindihan ang sinasabi nya.

Pagpasok namin sa sala ay bumungad sakin ang umiiyak na si Tita Sunshine, pilit din syang inaalo ni Tito Saros.

Nung makita nya ko ay nagpunas sya ng luha at tumayo para lapitan ako.

"Fia, anong balita? Nasa ospital ba si
kian? Dali at samahan nyo ko at
pupuntahan ko syaa" sabi nito.

Hindi ko alam pero nakatitig lang ako kay Tita Sunshine at hindi makapagsalita.

"Ma, pagpahingahin muna natin si sofia.Wala si kuya doon sa hospital, nawawala pa din sya pero gagawin lahat ng rescuer para mahanap sya. Okay lang si kuya kaya wag kang mabahala" sabi ni kenz sa mama nya.

Tumango naman si Tita Sunshine, lumapit samin si Tito Saros at tinapik ang balikat ko.

"sofia be strong hija, uuwi din iyong anak ko, nakaya nya ngang mabuhay sa lumubog na barko" sabi ni Tito Saros

trying to cheer me up pero pakiramdam ko ay namanhid ako.
I tried my best to smile.

"Doon lang muna po ako sa couch" sabi,ko at naupo na doon.

Nag ring ang telepono sa bahay nila kaya dali-daling tumakbo doon si Tita Sunshine.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon