Hindi ko alam kung kaya kong makita ang katawan nyang wala ng buhay. Iniisip ko pa lang ay pinanghihinaan na ko ng loob.
Isang buong araw na ang lumipas simula ng malaman kong namatay na si kian.
Hindi agad ako pumunta dahil natatakot ako at ayokong tanggapin ang katotohanang pilit na isinasampal sakin.
Wala na sya.
Wala na yung lalaking mahal ko.
I lost him even before we became happy.
Ang sabi nila Althea sakin ay sa dating bahay namin nakaburol ang labi ni kia.
At ngayong nandito na ko ay
nanginginig akong lumabas ng sasakyan ko.Mula rito sa pinagpark-an ko ng kotse ay tanaw ko na maraming tao na. They are all wearing white.
Naiyak na naman ako. Hindi ko yata
kakayaning lumapit."Anak" napalingon ako.
Nandito si Mom and Dad.
"Mom, Dad!" hindi ko napigilan at
yumakap ako sa kanila. I need someone to be there for me, dahil pakiramdam ko ay bibigay na talaga ako.Tinapik tapik ni mommy ang likod ko.
"Ssshh wag ka ng umiyak, be strong
okay?" sabi ni mom sakin.Dad held both of my shoulders.