Sofia's POV.Bago ako bumaba ng sasakyan ni kenz ay kinalma ko muna ang sarili ko.
Okay lang si kian. Okay lang sya. Nasa hospital sya at nagpapagamot lang. Yun ang paulit ulit kong sinasabi iyon sa isip ko para tumigil ang pag iyak ko.
Binuksan na ni kenz ang pintuan ng
kotse."Let's go Fia, tara na we have to check if he's here" sabi ni kenz sakin.
Tumango ako at lumabas na ng sasakyan.
Sa labas pa lang ng hospital ay
nagkakagulo na ang mga tao at mga
reporters.Nakita ko si Shannon na ini interview. Sya ang unang nakarating dito samin dahil inutos ko sa kanya na ipadala ang mga guards ni kian para maiwasan ang pagkakagulo ng mga tao.
Nakita kong hirap na hirap ang mga
bodyguards ni kian dahil sa dami ng
reporters."Are you the secretary of Mr. Reyes?
Anong sitwasyos sa loob?
Nandoon ba sya sa mga survivor?" tanong ng isang reporter.
Nakita kong napatingin sakin si Shannon.
"Ma'am Sofia" tawag sakin nito.
Sinenyasan nya ang mga bodyguards na tulungan kaming makadaan.
Nabaling ang atensyon ng media samin ni kenz.
"Sino ho sya?" tanong ng media kay
Shannon."Sya po ang asawa ni sir" sabi ni Shannon.
Tsk. Bakit sinabi nya pa?
Nagpuntahan samin ang mga media.
"Kayo po ba ang misis ni Kian?"
"Bakit ngayon lang po kayo lumabas?"
"We didn't know that Mr. Kian is
married. What's the reason for hiding the marriage?""Hindi po ba kayo si Ms. Sofia Nicole Fernandez the CEO ng ----
"Shut up all of you!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumigaw na. Bumaling ako sa security namin.
"Take them all away,nakakaabala sila! Hindi oras para makipag
chismisan ngayon!"Pakiramdam ko ay ang init ng ulo ko. I am supposed to be in the hospital already pero dahil sa pagharang nila ay nandito pa din kami ngayon.
"Chill sofia, I'm sure kuya's okay" sabi ni kenz.
Hinarang na ng mga security ang mga reporter kaya nakapasok na kami.
Pagpasok pa lang ng hospital ay ang dami ng pasyente.
"Ilan ang pasahero nung sinakyan ni
kian?" tanong ko kay kenz.Palinga linga ako para hanapin si kian
"Around 120 passengers fia"
Lumapit ako sa nursing station. May mga nurse doon at ilan pang rescuer.
"Excuse me. I'm Mrs. Sofia Reyes.
Can I know where's my husband? Anong room nya? He's name is Mark kian Reyes" tanong ko.Tumango ang nurse at tila may tinitingnan sa mga papel na hawak nya.
Yung kabog ng dibdib ko ay palakas ng palakas.
"Ma'am wala pong kian sa listahan ng dumating na mga survivor. Sila na lang po ang kausapin nyo" turo nya sa mga rescuer kaya lumapit kami doon.
"Excuse me, may balita na ba tungkol kay kian? Sa ibang hospital ba sya dinala?" tanong ni Kenz.
Tumayo yung isang rescuer at lumapit samin.