Sofia's POV.
"Gina, pakilipat naman yung appointment ni Mrs. Garcia sakin ng Wednesday. Hindi ko na talaga kaya ang pagod" sabi ko.
"Sige ma'am ako na pong bahala, gusto nyo na po bang umuwi?" tanong sakin nito.
"May tatapusin lang akong report tas uuwi na din ako, gusto ko ng humiga sa kama"sabi ko.
Magse 7 pm na pero tambak pa din ang papeles sa table to.
Almost 1 week na kaming ganito. Parehas kaming sobrang busy ni kian kaya hindi na namin nagagawang makapag usap after nung nangyari samin.
Minsan late syang umuuwi at maabutan nya na tulog na ko, minsan naman ako ang late at sya naman ang tulog. Sa umaga
naman, parehas kaming nagmamadaling pumasok.Nagka problema kasi sa expansion ng branch ng F&R sa Korea and since kami ang namamahala doon kaya inaasikaso naming pilit.
Kagabi umalis si kian papuntang
Korea. One stop flight lang naman yun kaya 6 hours lang ang biyahe nya dahil private jet ang gamit nya.I received a phone call from kian
kaninang lunch at sinabi nyang pauwi na sya since naayos nya na ang problema sa branch sa Korea. Thankfully mababawasan na ang load of work. Expected arrival nya
ay 7:30 pm sa airlines dahil hindi na sya sumakay sa private jet namin dahil missing in action ang piloto namin at since gusto nya na din umuwi ay nag book na lang sya ng flight sa airlines doon.Ma said magluluto ako and then mag usap kami.I guess he really wants us to talk kaya kahit labag sa loob nyang sumakay sa hindi naman nya eroplano ay sumakay na
sya rito para makauwi.One week lang kaming naging busy pero miss na miss ko na agad sya.
I want to tell him that I am ready na
maging maayos na ulit ang lahat. Nasira na kami noon, hahayaan ko pa bang masira kami ngayon.Kahit marami pa kong gagawiin ay
nagpasya na kong umuwi kailangan ko na ring makapagluto.Nung makauwi ako ay sinalubong agad ako ng stress reliever ko.
"Mommy!" bati sakin ni klea.
Binuhat ko sya at agad agad na pinugpog ng halik.
"How's my baby?" tanong ko.
"I'm fine mommy! Mommy, kabisado ko na ang flag at capital city ng iba't ibang country" masiglang sabi nito.
"Really. So anong capital ng Spain?"
tanong ko habang karga ko sya at naglakad papuntang kusina."Madrid" bibong sagot nito.
"How about Belgium?"
"City of Brussels"
"Wow. Last na kapag tama ito, sasabihin ko sa daddy mo na i enroll ka na sa nursery next year" sabi ko.
Nag lit up ang mukha nya. Gustong gusto nya kasing mag aral na.
"Really mommy. Pinky swear?" tanong nya at iniharap sakin ang hinliliit nya. Kinabit ko naman doon ang hinliliit ko para mag pinky swear kami.
"Pinky swear. So anong capital ng
Netherlands?" tanong ko. Ngumiti sya sakin at proud na sumagot."Amsterdam"
"Wow! Ang galing ng baby ko! I'll tell your daddy about it. Sino nagturo sayo?"tanong ko.
"It's Yaya Wendy and Lola Minda"
masayang sabi nito."Wow. Good girl. Nag dinner ka na?"
tanong ko."Yes mommy, nag order na lang kami. I couldn't wait for you mommy because I got hungry in all what I've learned today"sabi nya.