Chapter 17
Sofia pov.
Minulat ko ang paningin ko, alam kong nasa ospital ako. Naramdaman ko ding kumikirot ang tagiliran ko. Bwisit na magnanakaw, sya na
nga tong nagnanakaw sya pa tong may lakas ng loob manaksak. Inikot ko ang paningin ko. Wala pala akong bantay. Ano ba yan? Hindi ba alam ni Kian na napahamak ako.Biglang bumukas ang pinto, laking gulat ko nung iluwa nun si Kian na dala dala ang isa sa mga bag ko ang bitbit nya. Nagmukha tuloy syang bakla.
"It's good that you're awake, pero bakit parang natatawa ka? Is that the side effect of being stabbed?" tanong nya.
"Grabe naman. Sino bang matutuwa ng nasaksak? Natatawa lang ako dahil mukha kang bakla dyan sa dala mong bag ko" pagkasabi ko nun ay inihagis nya yung bag sakin. Natawa
naman ako lalo dahil namula ang tenga nya,napahiya siguro."Hoy babae, pasalamat ka nga at kinuha kita ng mga damit pamalit mo"
"Kumuha ka ng damit ko?Including-"
"Including what?"
"Alam mo na yun!"
"Underwear?" cool nyang sagot.
"Sshhhh. Ang lakas ng boses mo. Pinakielaman mo ba yun?"
"Yes. What's the big deal?" naka kunot nyang sagot.
"Eeeeehhh nakakahiya kaya! Pero sige na nga, salamat. Buti at nandito ka"
Tiningnan nya ko ng diretso sa mata na para bang sinusuri ang bawat parte ng mukha ko. Pakiramdam ko matutunaw ako sa titig nya.
"Are you really okay now?" sincere nyang tanong.
"Medyo makirot na lang pero okay na ko" I smiled to show him I'm fine.
"Do you know na wala kang malay for the past two days?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.
"Talaga? Bakit naman ganun? Nasaksak lang naman ako"
"You loss too much blood kaya ganun buti na lang at naging okay ka, at isa pa" lumapit sya at pinoint ang noo ko. "Why would you fight a
criminal for a ring?""Anong ring. Hindi lang basta-bastang ring yun. Wedding ring natin yun. Akala ko nga tinapon mo na yun but I'm so glad na itinabi
mo pala. Alam kong hindi mo talaga ako gustong makasama pang habang buhay pero para sakin kasi wala na kong gusto pang makasama bukod sayo kaya I value that ring
that much because it symbolize that I am married to you"Natahimik sya at tila nag isip. Maya maya tumayo na sya at parang lalabas na. Pero bago pa man sya tuluyang lumabas ay may sinabi
sya."Lalabas lang ako to talk to your doctor and also to get you some food. Sofia?"
Napatingin ako ulit sa kanya dahil akala ko tuluyan na syang lumabas.
"I know the rings are important for you, but it is not right to risk your life. Isa pa, if you really like me that much. Pwede bang mag iingat ka, kasi nag aalala ako" pagkasabi nya
nun ay lumabas na sya ng diretso.Ako naiwan lang naman akong nag uumapaw ang kilig sa katawan. Gusto kong magsisigaw. Nag aalala na si Kian sakin? Does it mean
I'm important to him? Hindi ko alam pero napakasaya ko.In 2 days time ay pinayagan na din naman ako umuwi ng doktor ko dahil di naman ganun kalalim ang sugat ko. Hindi na namin pinaalam
sa magulang ko ang nangyaring insidente dahil ayaw kong mag alala sila habang nagpapagamot si daddy sa abroad. Binisita ako ni Althea sa hospital laking gulat nya nga ng
malaman na inaasikaso ako ni Kian.
Nagulat ako kasi nalaman kong di rin pala pumapasok si Kian pero umaalis sya pag umaga.