125

1.4K 15 0
                                    

"So? Para saan pa at binili to? Gusto mo bang ipa museum ko?" sarcastic nyang sagot sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Basta pag yan na carnap or what, hindi ko yan babayaran" sabi ko at sumakay na sa kotse nya.

Sumakay na din sya sa driver seat at naka smirk sakin.

"Safe sa mall okay?" sabi nya at ini start na ang engine.

Tiningnan ko ang paligid ng kotse nya at napansin kong ang daming sun na design doon.

"Bakit ang daming sun?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho sya.

"Isn't it beautiful? I am so fascinated with it, it does remind me of someone" sabi nya.

Kaya napatahimik ako.
Pakiramdam ko ay bumigat ang
pakiramdam ko. Of course it does reminds him of her Daniella.

"Ah" sabi ko. I tried to fake a smile.

"You know who I am talking about right?" sabi nya.

"Of course" nakangiti ko pa ding sabi.Of course it's Ella. Sino ba namang magkakamali doon?
Gusto ko na tuloy umuwi at sabihing
masama ang pakiramdam ko kaso nandito na kami sa mall.

Tama na sofia! Yan na nga ba ang sinasabi ng isip mo, ipapamukha lang sayo ni kian ang lahat for the second time around.

You are fvcking letting your guard down!
But no matter how hurt I feel right now, I wanted to be with him.
Maybe I'll just let this day pass.
I'll enjoy and treasure this last date with him and after this I'll end my foolishness.

"Fia" napatingin ako kay kian na
sobrang lapit sakin ngayon.

Tinatanggal nya na pala ang seatbelt ko. Ang bango talaga ng pabango nya. Pabango pa lang gwapo na hays.

Everything about him makes me crazy over and over and over again.
And I should stop that, I am being
addicted to him again.Baka matagpuan ko na naman isang araw
ang sarili ko na nagpapakatanga para lang makasama sya.

Pinagbuksan nya ko ng pinto. At
napapitlag ako ng hawakan nya ang kamay ko. Hinila ko iyon.

"K-kailangan ba naka holding hands?:tanong ko sa kanya.

"You're my date today, so just play with it" sabi nya at hinawakan pa din ang kamay ko.

Play with it?

Hindi na ko pumiglas. Pagpasok pa lang namin sa mall, akala mo nakakita ng artista tong mga babaeng to. Kung makatingin.

Yung isa nga nabitawan pa
yung hawak na kape.

Buti na lang pala holding hands kami dahil baka nakasapak na ko ng isa dito.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon