(MHMP) CHAPTER 19

2.3K 49 0
                                    

Chapter 19

Kenz pov.
"Do I look okay bro?" tanong ko kay Josh. Ito kasi yung araw na nagka guts na ko para magpakita ulit kay Sofia, sa totoo lang sobrang
nag alala ako nung malaman ko yung nangyari sa kanya but I'm so glad she's okay now.

"Ano ka ba naman tol? Ang OA mo na e, don't worry, hindi nadadala ng pogi lang si Sofia. Sabi naman ni Althea sakin, NBSB daw sya so
for sure if liligawan mo sya madali lang yun.We will support you" assurance sakin ni Josh

"Oh ayan na pala sila e" bumilis naman ang tibok ng puso ko ng makitang bumaba na ng sasakyan nya si Sofia at mula sa shot gun seat
nito ay lumabas si Althea

"Good Morning babe!" bati ni Althea sa boyfriend nya bago pumunta at yumakap dito.

"Tss. Umagang umaga ang aga ng landian, di pa ko nakapag breakfast, Kain muna tayo sa cafeteria" pagyaya ni Sofia. Wait what? Di pa
sya kumakain? Bakit nya naman pinababayaan ang sarili nya ng ganyan. I want to vocalized it, pero baka magulat sya at ano ang isipin nya sakin.

"Yes we will Fia, after you meet my team mate, also my friend. Sofia, this is Kenz. Kenz, this is Sofia" pagpapakilala samin ni
Josh habang binibigyan ako ng mapanuksong ngiti.

"Wait! Kenz! OMG! It's nice meeting you again! Grabe, thank you talaga sa pagtulong sakin back then!" nakangiting sabi sakin ni Sofia, grabe ang ganda ganda nya na nga, mas
maganda pa sya pag ngumingiti.

Napakamot ako ng batok, pakiramdam ko para akong kamatis nawawalan ako ng sasabihin.

"A-ah wala yun. If you are really thankful then let's be friends" grabe buti nasabi ko.

"Ano ka ba naman! Sure, no problem but for now I am really, really hungry! Kain na tayo!" pagyaya nya.

"Kasama ako?" tanong ko.

"Oo naman! Let's go! Gusto ko na talagang kumain, feeling ko may dragon ako sa tyan" nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay
ko at hatakin papuntang cafeteria.

Sana mag freeze muna. Napakasaya ko habang hawak ang malambot na kamay ni Sofia.

Akira, you really make my heart beats fast.

Sofia pov.
Grabe nabusog ako dun sa kinain ko, hindi kasi ako nakapag breakfast dahil late na naman akong nagising. Puyat na lang kasi ako lagi. Hindi na naman kasi umuuwi ang magaling
kong asawa. Akala ko after nung nag brown-out e magiging okay na kami pero mali pala ako. Kian is still cold as ice to me.

Ang dami naming napagkuwentuhan, grabe ang
saya palang kasama ni Kenz. Napaka
komportable ko sa kanya kahit kakakilala pa lang namin.

Nagtatawanan kami, pakiramdam ko lahat ng atensyon ng mga tao ay nakapukol na samin.

Nasa kalagitnaan kami ng tawanan ng mapahinto ako dahil sa pumasok sa cafeteria.

Nakatingin ng diretso sakin si Kian and I don't know if it's my illussion pero parang naiinis sya. Ngingitian ko sana sya pero mabilis sya umiwas ng tingin.

"Fia, tara na! Nag bell na, pasok na tayo bago pa tayo ma late" pagyaya sakin ni Althea na tinanguan ko naman. Tatayo na sana ako para
kunin ang bag ko ng magulat ako ng bitbitin ito ni Kenz.

"I'll carry this for you" nakangiti nyang sabi sakin.

"Hindi na Kenz, nakakahiya naman. Ako na lang. Kaya ko naman" sabi ko habang pinipilit bawiin ang bag ko. Itinaas nya lamang ito at since basketball player sya, knows nyo naman na matangkad sya diba kaya ako ito tumitingkayad habang inaabot.

Konti na lang maaabot ko na yung bag kaso naramdaman kong tumama ang tungki ng ilong
ni Kenz sa noo ko. Kaya naman napatingin ako sa kanya. Nakangiti si Kenz habang nakatingin sakin. Tinigil ko na ang pagtingkayad ko at pagtatry na kunin ang bag ko. I sighed. I'm defeated.

"Fine, sige na nga. Male late na din ako. Tara na" sabi ko na lang dahil medyo na awkward ako sa scene kanina.

"Good, let's go Fia!" sabi nya bago ako hinatak sa braso. Bago kami lumabas ng cafeteria ay lumingon ako at nakitang nakatingin samin si Kian.

OMG! Don't tell me nakita nya yun? Baka anong isipin nya. Hayys. Malalagot na naman ako nito. Ano ba tong iniisip ko? Bakit naman
ako malalagot e wala nga naman palang pake sakin yun atsaka as if naman na magseselos sya.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon