Sofia POV
Sinarado ko ang locker ko at sumilip sa relo ko. Past 7pm na pala pero wala pa din akong ganang umuwi.By the way, hindi pala ako umuwi kagabi. Kay althea na lang ako tumuloy. Dun na ko nagpahatid kay kenz. Sinabi ko na lang kay althea na ayaw kong pag usapan ang nangyari kaya hindi na sya nagsalita pa about
dun kaya natahimik ako.Mabuti din na si althea pala ang nag uwi ng mga gamit ko na naiwan sa classroom.
Nakita kong nagriring ang cellphone. Kaya sinagot ko ito.
"Hey fia, nasan ka?" tanong nito.
"Pauwi na. Ito na nga pasakay na ng taxi. Wag ka ng mag abalang ihatid ako. Kaya ko na." pagsisinungaling ko.
"Okay. Just text me when you get home" sabi nya.
"Yep" tas binaba ko na yung tawag.
Nagsinungaling ako kay kenz. Nandito pa din ako sa school. Hindi kasi ako makapag decide kung uuwi ba ko or may pupuntahan.
Napagdesisyunan ko na lang na mag library. Mabuti pa tong library na to till 10pm. Palibhasa may binili kasing condo na building si kian kaya ang mga prof at staff ng
school ay pwedeng tumira ng libre dun kaya maraming guro ang gustong makapagtrabaho dito. Masyadong madaming benefits aside sa mataas na sweldo. Dahil na din siguro mataas ang tuition fee dito at di naman nya kailangan
yung kinikita nito dahil business tycoon din sya kaya yung kinikita nito is sa pagaayos at pagpapaganda ng school at para sa mga teacher at staff.Enough with that. Naghanap na lang ako ng mababasa at nung makakita ako nun ay tumapat ako sa aircon ay nagbasa na lang ako.
"Ms. Fernandez" nagising ako dahil may yumuyugyog sakin. Umayos agad ako ng upo ng makita kong librarian pala namin ang gumigising sakin. Nakatulog pala ako.
"Ms. Fernandez. 10pm na. It's time for you to go home. Magsasara na ko ng library" sabi nito.
Dali dali akong napatingin sa relo ko. 5 minutes before 10 na pala. Ano ba naman yan napaka tulugin ko naman.
Inayos ko yung pinag upuan ko at binalik yung librong kaninang binabasa ko.
"Ma'am Bitancor, alis na po ako, salamat po" sabi ko dito.
"Okay sige. Mag iingat ka sofia" sabi nito.
Ngumiti na lang ako at lumabas. Dumaan ako ng locker ko para kunin yung cellphone ko.
Binuksan ko yun at laking gulat ko sa dami ng missed calls at text from Althea, Kenz, and Kian.
Kian's missed calls - 89
Kenz's missed calls - 73
Althea's missed calls - 15And to make it 90. Currently nagriring ang phone ko at tumatawag ang magaling kong
asawa.Hindi ko sinagot yun. Magkikita at
magkakausap din naman kami pagkauwi ko. So why bother? Mas gusto kong sabihin ng personal ang lahat.Lumabas na ko ng campus. Kumain na muna ako ng kwek kwek, fishball, kikiam, at tokwa dahil nagugutom na ko.
Natapos na kong kumain at uminom na ko ng palamig na makaramdam ako ng pagkahilo. Tuwing umaga
ay ganito din ako. Pakiramdam ko lagi lalagnatin ako.Sa sobrang pagkahilo ko ay parang bumaliktad ang sikmura ko kaya nasuka ako. Buti na lang nasa isang gilid ako at walang nakapansin.
Kamalasan. Sumama pa ata ang pakiramdam ko.Kahit nahihilo ako ay naglakad na ko para pumara ng taxi.
"Kuya sa **********" sinabi ko kung saan ang subdivision namin.
Hilong hilo ako at pakiramdam ko masusuka pa ko kahit na wala na akong isusuka.
Ilang minuto lang kahit na hilong hilo ako ay napansin kong di kami lumiko sa dapat naming likuan. Kaya nagtaka ako. Tanda ko ang daan
pauwi samin.