CHAPTER 93

1.8K 22 0
                                    



Kakausapin ko si kian about dito, magtino na kayo" I said.

"Totoo?" Venus

Tumango ako.

"Totoo talagang mabait ka. Mas lalo tuloy kaming nagsisi dahil sa ginawa namin sa baby mo" Gail.

I want to say na okay na dahil buhay ang anak ko pero hindi pwede no.
Tumango lang ako.

"Salamat talaga sofia" Athena.

Tinalikuran ko na sila at bumalik na sa receptionist. May kausap sya sa telepono kaya sinenyasan nya na lang ako na umakyat na.

Nag elevator ako at tinungo ang 28th floor kung nasan ang opisina ng kumag na yun. Hindi board meeting ngayon. Pinapunta nya lang talaga ako dahil may meeting daw kaming
dalawa at importante daw yun para sa kompanya.

Buti na lang at nasa US si kenz ngayon dahil malamang pagtatalunan na naman namin to.
Bumukas ang elevator. Mabilis kong tinungo ang pintuan ng opisina nya. Nadaanan ko pa ang sekretarya nya na nagpapaganda.Papasok na sana ako sa loob ng harangin ako bigla ng secretary nya.

"Anong kailangan mo miss?" mataray na tanong sakin nito.

"I am here to see Mr. Reyez, so please get out of my way" mataray kong tanong sa kanya.

"Sorry miss. I can't let you. Ilang babae na ang nagpupunta dito para lang landiin si Sir and I can't let you do that. You see I don't entertain
my rivals" tinaasan nya pa ko ng kilay.

I chuckled atsaka nag smirk.
"Sino ka nga ulit?" I asked her.

"I'm Helen Garcia, I'm the secretary slash soon to be girlfriend of Mr. Reyes" mayabang nyang sabi.

Inaasar talaga ako nito.
"Well, Helen. Kung ayaw mong matanggal sa trabaho. Lumayas ka na sa daraanan ko bago mo pa ko tuluyang mabuwisit"

I am trying to be patient here. I am doing my best here kaya wag nya sana akong piliting patulan sya.

"Sa ayoko nga at hindi nga pwede diba? At sino,ka para tanggalin ako sa trabaho?" galit nyang,sabi.

"You want to know?" tanong ko.

Nagsukatan pa kami ng tingin. She smirked kaya napuno na ko. Tinabig ko sya at dire diretso na binuksan ang pinto ng opisina ni kian.
Nakita kong nagulat sya.

"Sir, I'm sorry. Mapilit po sya e" maarteng,sabi ng Helen na to.

"You're late" sabi sakin ni kian. I faked a smile on him.

Lumapit ako kay kian at kunyaring pinapagpag pa ang dumi sa suit nya.
I even fix his neck tie.

Fvck. Ang landi ko ngayon pero bahala na.Binubwisit ako ng sekretarya nya. Tiningnan ko yung malandi este Helen pala.

"Can you fire her?" I asked kian.

Ngumisi naman ang sekretarya nya.
Sinusubukan talaga ako nito.

"Why?" tanong ni kiam na nagsasalit salitan ang tingin saming dalawa.

"But before that, pwede bang ipakilala mo ko sa babaeng to, hindi nya yata alam kung anong meron satin e?" sabi ko. I give a fake smile on kian.

Nakita kong na confused sya tas huminga sya ng malalim. Hinawakan nya ko sa balakang ko at pakiramdam ko ay nakuryente ako.
Pero bakit parang init naman ng braso ni kian...

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon