(MHMP) CHAPTER 18

2.3K 43 0
                                    

Continue 18

Nalaman ko na kaya di rin pala sya pumasok ay inasikaso nya ang bahay para mas mapa secure ito.

"Kian, anong gusto mong lutuin ko para makakain na tayo ng dinner?" tanong ko sa kanya habang nanonood sya ng TV sa sala. Nanlaki naman ang mata nya ng makita ako.

"How did you get down here? I told you na magpahinga ka na lang sa kwarto mo diba? Pano na lang kung bumuka yang tahi mo?" natuwa naman ako kasi nakakita ako ng nag
uumapaw na concern mula sa kanya.

Kung ganito lang din naman si Kian sakin, ayos lang sakin kahit ilang beses akong magpasaksak. Jusko napaka gwapo nya lalo na kapag di naka salamin.

Napabalik naman ako sa realidad ng pumitik sya sa harapan ko.

"Hindi ka na magluluto, magpapa deliver na lang ako. Sige na maupo ka na lang dito sa couch" sabi nya. Inalalayan nya pa kong makaupo ng maayos bago sya umalis para tumawag. Napaka caring palang tao ni Kian, kanina din kasi nung pag uwi namin, inalalayan nya ko paakyat hanggang makahiga ako.

Napahawak ako sa tiyan ko. Whoo! Sa wakas busog! Ang sarap talaga ng Berrie Royal ng McDonald's hahaha.

Tatayo na sana ako para magligpit pero pinigilan ako ni Kian and he signalled me to just go to my room at magpahinga na. Gusto ko pa sanang tumanggi pero wala din
akong magagawa. Nakakatakot kayang magalit yan hahahaha.

Nakahiga na ko sa kama at magpapahinga na sana ng biglang

"Waaaaaaaaa! Kian!" sigaw ko yan dahil bigla na lang nawalan ng kuryente. Nakakatakot. Naiiyak ako. Takot pa naman ako sa madilim dahil naranasan ko ng makidnap
nung bata ako at dinala ako sa lugar na napakadilim.

Bumaba ako ng kama ko at pilit na
pinagsisiksikan ang sarili ko sa gilid nun. Ewan ko ba! Parang na trauma ako dahil sa pangyayaring yun, pinipigilan ko mang umiyak pero hindi ko mapigilan.

*Boooogssshh*

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto since hindi ko pa nasasarado ang kurtina ng kwarto, nagsisilbing liwanag ang
buwan para makita ko ang humahangos na itsura ng gwapo kong asawa.

"Sofia, what happened? Are you alright?"lumapit sya sakin at sinipat ako kung may nangyari bang masama sakin.

"I'm fine, it's just that I'm too scared,
Kian, pano kung balikan nila ako? Pano kung kunin nila ulit ako?" umiiyak kong sabi sa kanya. He gave me a puzzled look. I know I am
being weird right now, pero takot na takot talaga ako. Sobra nila akong binugbog nun akala ko mamamatay na ko buti na lang dumating sila mommy at ang ang mga pulis.
Tuwing madilim ang paligid pakiramdam ko they are just there to get me.

"What do you mean Sofia? Who will come and get you?" tumingin sa paligid ng kwarto ko si Kian.

"My-My Kidnappers, Kian. Takot ako,
natatakot ako" umiyak pa ko ng todo. Kian knows about this story dahil magkababata kami.

"Sshh shhh tahan na" Naramdaman ko ang pagtakip nya ng balikat ko. "Wag ka ng matakot, As long as I'm here they can't take you. I will protect you" napatingin ako sa mata
nya. Napakaganda ng mata ng asawa ko, pakiramdam ko malulunod ako sa titig nya.

"Really? Why would you protect me? Akala ko ba ayaw mo sakin?" medyo humuhupa na ang luha ko. Simple simple lang ng sinabi nya pero
nababawasan agad yung takot ko.

"Fine, let's say I do hate you, but still I am your husband and I am here to take care of you. So please stop crying cause I won't be leaving you" nagulat ako ng bigla nya kong yakapin.

Napakasarap pala sa pakiramdam na nasa bisig ka ng taong pinakamamahal mo, lahat ng takot
at lungkot biglang mawawala. Pakiramdam ko may nagkakarera sa puso ko.

Nagising ako dahil tinatamaan na ng sinag ng araw ang mukha ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Laking gulat ko ng makitang may nakatabi saking gwapong nilalang.

Mala greek god naman ang itsura nitong asawa ko. Humarap ako sa kanya. Tulog na tulog sya. Napaka peaceful ng pagkakatulog nya. Marahil ay sobrang napagod at napuryat sya sa pagbi baby sit sakin.

I touched his face gently.

"I am so lucky to be your wife, and I am also proud to love you so damn much" I said

Sana, sana lagi na lang kaming ganito. Sana matutuhan na talaga akong mahalin ng nag iisang lalaking mahal ko. I hope my professor
which is my husband will really be lifetime partner.

I love you so much Mark Kian

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon