174

1.3K 16 1
                                    

Lumabas ako ng opisina nya at pumunta sa table ni Shannon.

Taas kilay ko syang tinanong dahil
nagsisimula ng mag init ang ulo ko.

"Nasaan si kian?" tanong ko.

Hindi agad sya nakapagsalita at tumingin muna sa baba.

"Shannon, I'm asking you kung ayaw mong hugutin ko yang dila mo.
Nasaan ang magaling mong boss?"
Hindi naman talaga ako mataray pero dumadating sa point na sa sobrang inis at galit ay hindi ko na napipigilan ang sarili ko.

"M-ma'am fia" sabi nya at nauutal sya.

For heaven's sake! Is she hiding, no are they hiding something from me?

"Alam ko ang pangalan ko, so tell me,dahil paulit ulit na tayo, nasaan si kian when I thought he's busy working here and yet he's nowhere to be found in his office" sabi ko.

"Nasa restaurant po ma'am sa tawid" sabi nito.

Hindi na ko sumagot at mabilis na
naglakad at sumakay sa elevator.
Ang aga naman ata ng lunch out nya,hindi man lang nya ko hinintay.

Ito namang si Shannon tinatanong ko lang kung nasaan ang boss nya, hindi pa agad masabi, kumakain lang pala.

Pagbaba ko sa lobby ay lumabas agad ako.

Fvck! Saglit lang ako sa taas tapos ang lakas na agad ng ulan?

Bahala na nga! Mabilis na lang akong tatawid.

Sumugod na ko sa ulan at hindi pa ko nakakatawid pero napahinto na agad ako.

Nagsimulang mag unahan ang luha ko sa pagbagsak. I was frozen

What's this?

Tama ba ang nakikita ko.

Si Kian, kasama nya si Ella. They are
so sweet and happy together.

Mas dinurog ang puso ko nung maghalikan sila.

Hindi ko na kaya, hindi ko kayang makita.Hindi ko kayang tanggapin na nangyayari to. Hindi ko kayang tanggapin na niloloko nya lang ako.

Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa kotse ko, mabilis ko iyong minaneho.

I was so happy believing it was all real,and yet Kian shuttered my world again.

Akala ko ba mahal nya ko?
Akala ko ba totoo na ang lahat? Bakit? Bakit magkasama sila?

Sila pa rin ba at pinaglalaruan lang nila ako all this time?

Damn! it's breaking me apart.
Iyak ako ng iyak habang nagmamaneho.

Why? Why do I deserve to be cheated on over and over again?

Mali ba talagang binigyan ko sya ng pagkakataon?
Mali ba talagang minahal ko sya?

Umpisa pa lang naman alam ko na, na hindi nya ko mahal. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit pinaabot ko pa sa puntong to.

Ang tanga tanga ko!

That damn perfect man is also the damn perfect key to ruin my life.

At ang sakit sakit
Sobrang sakit!

Parang pinapatay ako sa sakit.
Kaya pala lagi syang late umuwi, kaya pala maaga syang umaalis at kaya pala hindi nya sinasagot ang tawag ko because he's with the woman he really loves.

Ang galing nyang umarte. Ang galing galing nya! Napaniwala nya ko at nagpakatanga na naman ako sa kanya.

Pinark ko ang kotse ko sa tapat ng bahay.

I'm soaking wet but who cares?

Pinunasan ko ang luha ko at bumaba ng sasakyan.

Mabilis akong pumasok ng bahay at nag diretso sa kwarto namin ng lecheng lalaking yun.

Agad agad akong nag impake ng damit ko,sinunod ko naman ang kwarto ni klea, nag pack ako ng mga damit nya at bumaba na.

Naabutan kong nanonood ng cartoon ang anak ko.

"klea, let's go" sabi ko. Napatingin
naman sakin si Yaya Minda at Wendy.

Binuhat ko si klea kahit pa nabibigatan na ko sa dala ko.

"Where are we going mommy?" tanong nito sakin.

"Oo nga, san ba kayo pupunta fia?"
tanong ni yaya

"Hindi ba ko sasama ate?" tanong ni
Wendy.

Umiling ako at pilit ngumiti.

"Magbabakasyon kasi kami nila kian.
Pinauwi nya lang ako saglit para
makapagdala ng gamit at kunin tong si klea. Hinihintay na nga kami ni
kian sa private jet" sabi ko.

I had to lie dahil kapag nalaman nila ang totoo ay pipigilan nila ako.
Ngumiti naman sila.

"Ay family bonding pala, dito na lang ako kasama ni nanay, mag ingat kayo ate ha atsaka pasalubong!" sabi ni Wendy at tumawa.

"Mabuti naman kung ganun at magkaka time kayong pamilya, lately kasi busy kayo, tama ipasyal nyo yang bata" sabi ni yaya.

Tumangi na lang ako.

"Sige po alis na kami" sabi ko.

"Bye lola and bye yaya!" sabi ni klea
at kumaway sa mga ito.

Nung maisakay ko na si klea at ang
gamit namin ay nagsimula na kong
magmaneho.

"Mommy, malayo ba ang pupuntahan natin? Nandoon na ba si daddy?" tanong ng anak ko.

She's so innocent. Kung hindi ko lang sana pinairal ang katangahan ko e di sana hindi madadamay ang anak ko.

Pilit akong ngumiti kahit pakiramdam ko ay maluluha ako.

"Yep" I lied once again.

"Can I sleep mommy? Rainy season is making me sleepy" sabi nito at nag yawn na.

I gently touched her face with my right hand habang nagmamaneho naman ang kabilang kamay ko.

"Go to sleep baby, I love you" sabi ko.

"I love you too mommy" sabi nito bago pumikit.

I am running away again.

Hindi ko na alam ang gagawin ko pero ito lang ang naisip kong paraan.

I can't be with him knowing that he's
cheating on me.

I had enough of this stupidity.

Maging masaya na sana sila ni Ella.
Muli na namang nagbagsakan ang luha ko.

All I wanted was to be happy with him.

Bakit ba laging ipinagkakait yun? Maybe hindi naman kasi kami ang para sa isa't isa and yet pinipilit ko and I'm facing its consequences.

Consequences of loving a Mark Kian Reyes.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon