(MHMP) CHAPTER 14

2.3K 43 1
                                    

Continue 14

"Good! At least pag umalis kami ng mommy nya ay mapapanatag ako na hindi mo pababayaan ang anak namin"

"Pasensya ka na Kian, kilala mo naman itong si Rodrigo masyado lang nyang bini baby itong si Sofia, only child kasi kaya ganito kami" pagpa paumanhin ni mommy.

"No worries mom, okay lang po. I
understand" Kian.

Sus! Akala mo sinong mabait.

"By the way, I know may usapan tayo na by the time Sofia turns 21 at hindi pa rin nagwo-work ang relationship nyo is pwede kayong
maghiwalay. And I know you don't forget that dapat bago man lang kayo maghiwalay ay mabigyan mo kami ng apo kay Sofia, Kian"

*cough* *cough*

Nasamid ako sa pinaalala ni daddy. Grabe din kasi sya! Oo ako nagpumilit ng kasal pero yung
apo-apo na yan, Idea nya yan. Pakiramdam nya kasi tatanda akong dalaga at isa pa daw maganda ang lahi ni Kian. He only wants a grandchild na magiging tagapag mana ng lahat ng yaman na meron kami.

Pero anong tingin nya kay Kian? Baby maker!

"Daddy naman! We are in the middle of breakfast! Why bring it up now?" sabi ko kay daddy pagkatapos kong uminom ng tubig.

"Oo nga naman Rodrigo" mommy.

"Sana naman tuparin nyo yang hiling ko na yan. Ayaw nyo naman sigurong sumama ang loob ko?" may paghihinampo sa boses nya.
Porket may sakit sya sa puso tini take
advantage nya yung opportunity.

"Yes dad. Don't worry, I'll do my best to give you what you want" literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kian. Nababaliw na ba sya?

Akala nya ba nagjojoke tong si daddy? Rodrigo Fernandez is not someone to mess around.

"Good! Kami ng bahalang mag settle ng mommy nyo ng lahat. Pero mas okay sana kung hindi na kayo maghihiwalay at magkakatuluyan na talaga. Para hindi naman lumaki sa broken family ang apo ko"

Wow maka apo! Akala mo naman buntis na ko at mangyayari yun. Hays. Nanahimik na lang ako. Ayoko ng sumali sa usapan nila. Nakaka
stress! Sana business na lang ang pinag usapan nila.

Buti na lang talaga natapos na ang pagkain namin. Kinulit pa kami ni daddy kaya nagsabi na ko na kailangan na naming pumasok.

Papunta na kami sa kanya kanyang kotse namin, ang awkward sobra!

Well, ano bang bago? Bihira lang naman kaming mag usap kaya sanayan na lang.

"Wag ka ng kung saan-saan pumunta. Kapag na late ka sa klase ko mamaya. I will automatically fail you" Kian.

"What? Are you being serious now?!"

"Yes" pagkasabi nya nun ay sumakay na sya sa Lamborghini nya at pinaharurot na yun.

Bastos talaga! Mapagtripan sana yang kotse mo!

Napakagaling ng asawa ko. Hindi ko alam kung tao ba sya o alien at napakahirap nyang palambutin. Pano ko gagawing maayos ang
pagsasama namin kung damang dama ko naman na ayaw nya sakin?

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon