"Talaga lang huh? Mukhang hindi yun ang nakikita namin. Malandi ka! Lahat ng lalaki gusto mo sayo!" sigaw ni Venus sakin.
Lahat? Isa lang naman ang gusto ko e. Yun pang taong ayaw na ayaw sakin.
"Kung ayaw nyo maniwala, wala na kong pake" sabi ko. Papasok na sana ako ng idikit ako sa pader ni Athena.
"Tandaan mo to, isa pa sofia at malilintikan ka na samin" sabi nya.
"Hoy! Anong ginagawa nyo kay sofia!" binitawan naman ako ni Athena ng marinig nya ang sumisigaw.
Thank goodness althea is here.
Nag alisan ang mean girls at pumasok na sa classroom."Tsk. Okay ka lang ba? Dapat pinagsasampal mo yung mga yun para natauhan" sabi nito na galit.
"I'm not like you, ayokong nakikipag away" saad ko dito.
"Yeah right. Masyado kang mabait e, tara na nga" sabi nito.
Pagpasok namin e ang sama ng tingin sakin ng mean girls pero sinamaan din sila ng tingin ni
althea."Hoy kayong tatlo, tandaan nyo to ha? Isa pang makita kong sinasaktan nyo si sofia, kayo ang makakatikim sakin. Baka hindi nyo kilala yang binabangga nyo?" sabi ni althea bago umupo. Natahimik naman yung tatlo. Umupo na din ako.
Sino nga bang binabangga nila? Ako lang naman na asawa ni Kai. na may ari ng eskwelahan na to na pwede silang patalsikin pero imposible dahil wala ngang pake yun sakin.
Naisip ko na naman yung nangyari kagabi.Ayokong makita si kian ngayon. Mag i skip na lang ako ng class. Pero baka kuwestiyunin
ako ni althea. Wag na nga lang.Nakaka 3 subjects na kami pero ako ito nakatingin lang sa labas at wala ng pake.
5pm na pala
"Good afternoon class" Mabilis na tumibok ang puso ko. Narinig ko pa
lang ang boses nya ganyan na ang epekto sakin. Tiningnan ko sya, mukhang okay na din naman
sya. Kaya umiwas na ko ng tingin.
Nagsimula na ang klase nya. Nag attendance sya at nagtuturo na. Kunyaring nakikinig na lang ako para hindi nya ko masigawan.Buti na lang at umupo na sya at may
pinakopya na lang samin sa board.Knock knock
Lahat kami napahinto dahil may kumakatok.
"Come in" sabi ni kian.
Kaya bumukas na ang pinto at pumasok dun si Ella na nakangiti.
May hawak syang starbucks.Inikot nya ang paningin nya at nakita ako kaya ngumiti sya at nag wave pa sakin.
I smiled on her. Alam nya bang bawal mag visit ng student like me kahit na teacher pa sya dahil mabi beastmode si kian.?
I felt uneasiness in me. Ano tong
nararamdaman ko."Hi kian!" bati ni Ella kay kain.
Si kian naman is nakatingin lang kay Ella.
Hala! Bakit di sya nagagalit kay Ella dahil nag visit ito sakin.
Lumapit si Ella kay kian at hinipo ang noo nito.
"Good, buti na lang magaling ka na. Akala ko napano ka na kagabi e. Sobrang na guilty tuloy ako" nilapag nito yung kape at naglapag din
sya ng gamot sa table ni kian.Ano to? Anong nangyayari? Anong meron sa kanila.
"Ang sweet naman ni Ma'am Ella" sabi nung isa kong classmate.