CHAPTER 98

1.8K 25 1
                                    


Sofia's POV.

"Baby, come here, susuot ko na tong shoes mo sayo" sabi ko kay klea. Tumatakbo naman syang palapit sakin.

"Mommy, mommy! I am so excited" masayang sabi ni klea kaya napangiti ako.Sinuot ko na ang sapatos nya at mabilis naman syang tumakbo kay kenz at binuhat sya.

"Papa, are we going to the amusement park now?" tanong ng bulinggit ko.Napangiti naman si kenz sa kanya. Hinalikan nya ito sa ulo.

"Yes princess. I missed you, kaya I'm taking you and your mommy out" sabi ni kenz na nilahad ang kamay nya sakin. Kinuha ko iyon, nagulat ako ng yakapin nya kami.

"You two are my treasures"

"Hmm. Masyado ka ng corny. Tara na" sabi ko.

"Let's go, let's go, let's go" paulit ulit na sabi ni klea.

"Wendy, Ikaw na muna ang bahala dito ah" bilin ko sa baby sitter ni klea.

"Oo ate, ako na bahala. Mag enjoy kayo nila kuya" sabi nito.

"Yaya, I'm gonna bring pasalubong for you ah,so don't go anywhere" sabi ni klea sa yaya nya. Tumawa naman si Wendy.

"Yes baby, wag magpapasaway ah" sagot nito.

klea loves her yaya, tinatrato na naming pamilya si Wendy dahil nakikita at ramdam ko ang pagmamahal at pag aalaga nya sa anak ko. Bumaba na kami sa parking lot at sumakay ng kotse, walang ginawa si klea sa sasakyan kundi paulit ulit na tanungin si kenz kung sa amusement park ba kami pupunta at ilang beses nya na din pinaulit ulit na excited sya. Kababalik lang ni kenz galing amerika kaya
sabi nya idi date nya kami dahil namiss nya daw kami ng sobra.

Isang linggo na din matapos kong alagaan si kian.Napagpasyahan kong iwasan na lamang sya. Tama iyon, dahil baka masaktan na naman ako ulit

Masasaktan din si kenz
At baka magkataon na malaman nya pa ang about kay klea at kunin nya ito sakin.
Ayoko, mahirap na.
Dapat ngayon pa lang ay iniiwasan ko na sya cause falling for that jerk the second time around is really dangerous. Ayoko ng sumugal.

Maya maya lang ay nag park na si kenz sa loob ng Star City.Pagbaba pa lang namin ay wala ng paglagyan
ang saya ni klea.

"Mommy! It's so wonderful here! Can we live here?" tanong nya sakin na binigyan pa ko ng,pagpapacute na mukha.

"No baby, pero pwede naman tayong pumunta,lagi dito" I said.
Nag pout sya. God! Kamukhang kamukha nya si kian. Ano ba naman to?

"Sayang naman but it's okay mommy. Let's go in na?" sabi nya.

"Yes princess" sabi ni kenz at kinarga nya na si klea. Hinawakan nya naman ang kamay ko. Nagtitinginan samin ang ilang mga tao.

Grabe ang ganda nung bata, parang manika.

Oo nga e, gwapo naman kasi yung tatay. Kita,mo kahawig.

Parang hindi naman. Medyo mas hawig nya yung nanay.

Sana pag nagka pamilya ako ganyan din kami kagandang tingnan

Asa!

Natawa na lang ako sa sinasabi nila. Even si kenz ay napapangiti. Si klea naman ay tumitingin tingin lang sa paligid.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon