(MHMP) CHAPTER 15

2.4K 43 0
                                    

Chapter 15

Sofia pov.
"Are you sure na ayaw mong sumabay samin ni Joshua kumain sa labas? You said wala naman
si Yaya Minda sa bahay nyo. Baka mag isa ka lang dun. If you want you can sleepover sa amin." suggestion ni Althea. Napangiti ako,nakikita ko naman kasi talagang nag aalala sya.
Pero kahit na gusto kong sumama, may pride naman ako no! Malapit na nga akong mabansagan na pambansang third wheel dahil
dikit ako ng dikit sa kanilang mag jowa.

Isang buwan na kasi ang nakalipas simula ng mag start ang pasukan. Kami ni Kian, ganun pa din. Para lang akong hangin sa kanya. Minsan sa bahay sya umuuwi, minsan hindi. Kung anong mapag tripan nya. Minsan gusto ko na nga lang syang yakapin at sabihing miss na miss ko na sya kaso malamang sapakin
ako nun kapag ginawa ko yun.

"Ano ka ba Althea? Hindi na ko baby. I can manage myself. Sige na. Mag date na kayo ni Joshua. Mag enjoy kayo" pag uudyok ko sa kanya
kasi naman kitang kita sa mukha ng best friend ko na ayaw nya kong iwan.

"Kasi naman Sofia, bakit hindi ka pa mag boyfriend? Para lagi ka ng may kasama" nagkatinginan kami ni Althea sa sinabi ni Joshua.Hindi nga pala nya alam na may asawa na ko.
Pero useless din naman ang pagpapakasal naming dalawa ni Kian. Hindi ko rin naman maipagsigawan sa mundo na, Ako si Mrs.Reyes, asawa ni Mark Kian Reyes, yung prof na kinababaliwan
nyong lahat!

I faked a laugh.

"Hayaan mo, maghahanap na ko para di na ko third wheel sa inyo" pagbibiro ko.

"Loka-loka ka talaga! Alam mo namang imposible yun. Hindi mo keri" hindi napigilang sabi ni Althea kaya pinanlakihan ko sya ng mata.

"At bakit naman imposible? Grabe ka naman love! Ang possessive mo kahit sa kaibigan mo.Pano mapopormahan yan ng barkada ko?" napatingin kami ng sabay kay Joshua.

"Sino namang poporma kay Sofia?" nakataas na kilay na tanong ni Althea sa boyfriend nya.

"Pinagti-tripan mo na naman ako no, Joshua? Wag ako, okay?" sabi ko.

"Hindi no! Basta makikilala mo din sya. Masyado pa kasing torpe. Shy type kasi yun pero sobrang gwapings"

"Naku Althea, bitbitin mo na nga yang boyfriend mo at lumakad na kayo, baka nababaliw na yan dahil sa gutom. Kung anu ano na ang sinasabi" utos ko kay Althea.

"Oo nga! Baka mahamugan ang bunbunan at lalo pang lumala" sagot ni Althea sakin kaya natawa ako.

"Hoy! Grabe naman kayo saking dalawa. Lagi nyo na lang akong pinagtutulungan" pagda
drama ni Joshua.

"Mag iingat ka Fia ha! Alis na kami" bumeso muna sakin si Althea bago umalis. Pagkaalis nila ay sumakay na din ako sa kotse ko.

Nung mai park ko ang sasakyan ko sa garahe ng bahay ay hindi ko malaman pero bigla akong kinabahan. Pero di ko na inalintana yun dahil gusto ko ng matulog. Hindi pa ko nakakabawi masyado sa mga araw na napuyat ako. Konting puyat pa at pwede na kong mag cast na zombie sa walking dead.

Wala si Yaya Minda dahil bumisita ito sa anak nya.

Paakyat na ko sa hagdan ng mapansin kong bukas ang pintuan ng kwarto ni Kian. Nakakapagtaka naman na umuwi sya pero wala
ang kotse nya. Kinakabahan na talaga ako pero nagtapang tapangan pa din ako.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon