166

1.3K 17 0
                                    

Inupo ko sya sa kitchen counter. I
touched her face.

"Sorry kung busy si mommy at daddy lately ah" sabi ko.

Ngumiti lang sya sakin.

"It's okay mommy, alam ko namang para sakin yang ginagawa nyo. I understand"sabi nya.

"Whoa my baby is like a grown up
already" sabi ko at tumawa.

Tumawa din sya pero maya maya ay
humikab na.

"Inaantok ka na?" tanong ko.

Tumango sya.

"I never knew learning could be this tiring mommy but it's worth it"
Humikab ulit sya.

"Is daddy coming home today?" tanong nya.

"Yes baby" sabi ko kay klea.

"I think I will just see him in the morning.I'm too sleepy mommy" sabi nya.

"Sige baby, sleep ka na. Wendy!" tawag ko sa yaya nya.

Agad namang pumasok ito sa kusina.

"Yes ate?" sabi nito ng nakangiti.

"Paki ayusan na si klea at inaantok na daw" sabi ko.

"Sige ate, ako ng bahala" sabi nito.

Yumakap sakin si klea at hinalikan
ako sa pisngi ng dalawang beses.

"Mommy, my other kiss is for daddy just give it to him okay?" sabi nito.

"Oo" sabi ko at tumawa.

"Ibigay mo daw ate ah" pang aasar ni Wendy kaya pinanlakihan ko sya ng mata,tumawa lang ang huli at binuhat na ang anak ko.

"Goodnight baby, I love you" sabi ko.

"I love you too mommy" she said in a sleepy tone.

Nung maiwan ako mag isa sa kusina ay nagsimula na kong magluto. Nag adobo na lang ako dahil yun ang mabilis lutuin.

Alas otso na nung matapos ako sa
pagluluto.Siguro ay nag land na ang eroplano na sinasakyan nya. Maliligo nga lang ako ng mabilisan.

Binilisan ko talaga ang paliligo ko dahil ayokong dumating si kian na nasa banyo pa ako.

At yes! 30 minutes lang ang paliligo ko.Nagsuot na lang ako ng long sleeves dahil malamig, dahil tag ulan na din.

Narinig ko ang sunud sunod na pag
doorbell kaya nagmamadali akong
bumaba.

Nakita kong papalapit na sa maindoor si Yaya Minda kaya inunahan ko na sya.

"Ako na yaya, si kian yan" sabi ko.

"Sige, magtutulog na ko" sabi nito sakin kaya nginitian ko sya.

9:30 pm na pala agad.Lumakad ako papuntang main door at nakangiting binuksan yun.

"You're late!" sabi ko dahil akala ko si
kian ang mapapagbuksan ko.Ngunit si kenz ang nasa harap ko.

He looked terrified.

"Fia" pagtawag nya sakin.

Nginitian ko sya.

"Uy kenz napadalawa ka! Tulog na si
klea atsaka hindi pa dumadating yung kaya mong praning" sabi ko.

Dumadalaw din si kenz minsan dito sa bahay pero dahil kay klea, madalas pa rin nya kasi itong ipinapasyal at minsan pinupuntahan nya din si kian for
business matter or para buwisitin lang.

"Fia, hindi sila ang ipinunta ko dito. Ikaw"sabi nya sakin.

"Teka? Bakit parang wala ka sa sarili mo?Okay ka lang ba? Ano bang sadya mo?Gusto mo bang pumasok muna sa loob?"tanong ko.

Umiling sya.

"Kailangan mong sumama sakin fia" sabi nito.

"Saan? Late na atsaka pauwi na si kian baka hanapin ako nun" sabi ko.

"We need to go Fia!" sigaw nya kaya
nagulat ako.

"Nag crash ang eroplanong
sinasakyan ni Kuya!"

Pakiramdam ko ay nabingi ako.
Imposible.Yung kabang nararamdaman ko sobra sobra.

"A-ano bang sinasabi mo? Uuwi yun!" sabi ko.

"Don't you watch news? Wala ka bang na receive na phone call? The plane crashed in the nearby ocean.
Kailangan nating pumunta doon, cause we don't know kung isa ba sya sa mga nakaligtas, nawawala o
namatay" sabi nya.

"No! That's impossible!" sigaw ko.

Ngayon ko lang naalala na naiwan ko pala ang cellphone ko sa opisina dahil sa kamamadali kong umuwi.

Hindi ko napansin na nagbagsakan na pala ang luha ko. Iyak na ko ng iyak.

"fia, get a hold of yourself. Mag focus ka"sabi ni kenz.

Tumango ako kahit na nahihirapan na kong intindihin ang sitwasyon.

"Tara na" sabi nya at inakay na ko
papuntang sasakyan nya.

This is a nightmare.

Please lord, Iligtas nyo sya.

I need him.

I haven't told him how much I still love him.

I kept pushing him away, ngayon pa lang namin maaayos ang lahat.

Why do this need to happen?

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon