"Put me down kian! What's wrong with you?" sigaw ko. Hinahampas ko ang likod nya dahil pinagtitinginan na kami ng tao..
Nagulat ako ng huminto sya sa harapan ng mga lalaking nagbubulungan kanina.
"I thought you we're talking about someone else, I didn't know that you're talking about her. I'm sorry to informed you but my wife is off-limits" nanlaki ang mata ko sa sa sinabi nya sa mga lalaki. Lumakad na kami ulit at sumakay sa elevator.
At kahit nasa elevator na kami ay hindi nya pa din ako binababa.
Pagkapasok sa kwarto ay binagsak nya ko sa kama."Ouch! Ano bang problema mo?!" naiinis kong tanong sa kanya.
"Hindi pa ba obvious? You! You change your clothes right now! Wala akong pake kung mag gown ka, basta magpalit ka na" nakita ko yung
galit sa mata nya."kian pero beach ka--"
"NOW!" I was interrupted by him. Nakita kong inis na inis sya. Napahilamos pa nga sya sa
mukha nya ng umupo sya."You will not go down, if you will wear those swimsuits" sabi nya.
Kaya tumayo na ko para pumasok sa banyo.
"I really wish I could lock you up in here, so no guy will be able to look at you"
Hindi na ko narinig yung sinabi nya dahil napakahina lang nun. Gusto ko sanang i clarify pero pumasok na lang ako sa banyo. Mamaya maging si hulk pa sya kapag nagtanong pa ko. Buti na lang talaga nakapagbaon ako ng rushgard ko kung hindi, malamang nakapang alis akong magsi swimming. Bigla bigla kasing
umiinit ang ulo nung isang yun.
Napahinto naman ako sa realization ko. Hindi kaya ayaw ni kian na mag swimsuit ako dahil, nagseselos sya sa mga lalaking tumitingin sakin.Namula naman ako ng todo sa naisip ko. So does that mean? Nagkaka feelings na sya para sakin?
Imposible, pero sana oo dahil sa loob ng tatlong taon namin, ngayon lang sya naging ganyan sakin.Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong tumingin sya sakin. Umiling sya pero tumayo na din.
Sa wakas makakapag swimming din.
Buong araw ay nagtampisaw lang kami sa beach, nag jetski pa nga kami. Ang sarap sarap sa pakiramdam na habang nakasakay ako sa likod nya ay yakap yakap ko sya.
Buti at nawala ang pagka bad mood ni kian. Mukhang nag enjoy na din sya. Nung sumapit ang gabi ay kumain kami sa seafood restaurant.
Nakakatuwa dahil si Kain pa ang nagbalat ng mga hipon na kakainin ko. I never knew he can be such a gentleman. Maybe in our 3 years of marriage ngayon ko lang talaga
tuluyan pang nakikilala ang asawa ko kahit pa noong bata kami ay patay na patay na ko sa kanya."Sige na sa kama ka na matulog, sa couch na ko" sabi nya. Habang kumukuha ng unan sa kama.
"Wag na, ako na lang" sagot ko. Nahihiya ako dahil sobrang ang caring nya na simula ng umalis kami ng Manila.
"Wag ng makulit Sofia, okay? I'm being nice" sabi nya. Tumalikod na sya pero mabilis kong hinawakan ang braso nya. Tiningnan nya ko.
"O sige dito na ko sa kama, pero dito ka na din, maglagay na lang tayo ng unan sa pagitan? Okay ba yun?" pakiramdam ko nag akyatan lahat ng dugo ko sa mukha ko.
Nakakahiya pero ilang araw lang din naman. Susulitin ko na atleast makakatabi ko sya sa isang kama. Hindi ko kasi alam baka pagkatapos nito, iba na naman ang ugali nya.
May pagka bipolar kasi sya e."You sure?"
"Yeah" sagot ko.
"Fine" pagkasabi nya nun ay inayos nya na ang kama, naglagay na nga sya ng unan sa gitna.
Buti na lang queen size bed to.
Humiga na sya at ako din.Pagkahiga ko ay naramdaman ko ang pagod. Super nag enjoy ako ngayong araw na to kaya kahit ang dami naming ginawang activities e
ngayon ko lang naramdaman yung kapaguran nun."Are you sleeping?" tanong nya. Dahil na din sa unan ay hindi kami masyado magkakitaan. Isa pa parehas ata kaming nakatingin sa ceiling.
"Nope, why?" tanong ko.
"Tell me fia, what do you really want?" tanong nya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Unang beses yata naming mag usap ng hindi nagsisigawan at nag aaway.
"What do you mean?" tanong ko. Hindi ko kasi magets.
"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo?" tanong nya ulit.
Saglit akong napaisip. Ano nga ba talagang gusto ko?
"Dati, nung bata pa tayo, hindi naman lingid sa kaalaman mo na gusto kita, sobrang gusto. Ipinangako ko sa sarili ko na kung hindi ikaw ang mapapangasawa ko, tatanda na lang akong dalaga kaya laking tuwa ko ng dahil sa magulang ko naipakasal tayo. I know it's a
selfish thought dahil alam kong napilitan ka lang, pero hindi ko napigilan nagpaka selfish na nga ako at ito na nga tayo mag asawa na.
Gusto ko lang naman kasi, yung makasama ka hanggang sa huling hininga ko, gusto kong tumandang kasama ka. Magka anak, magkapamilya. I wanna do all the things with you. Noong una akala ko, absurd yung idea ni dad na magka anak tayo pero later on napag
isipan ko, if we are really gonna have a divorcement" a tear fell from my eyes "mas okay sakin kung may anak tayo, kung magkaka anak ako from you, at least I have a remembrance from you na once I married the
man of my dreams na hindi lahat yun guni-guni lang" pinunasan ko ang luha ko. I faked a laugh."Oh ayan alam mo na ngayon kung gano ako kabaliw sayo?" Hindi sya sumagot, nakatulog na ba sya?
"Goodnight sofia" yun lang ang sinabi nya at binalot na ng katahimikan ang hotel room namin.
Ilang oras na ang nakalipas pero nakatulala pa din ako, hindi ko kasi alam kung tama bang sinabi ko iyon kay kian.
Gusto ko sanang bawiin dahil nahihiya ako. Sinilip ko sya kung tulog na sya at nakita kong mahimbing na syang natutulog kaya lumapit ako and I gave him a kiss on the forehead.
"Goodnight. I love you" pagkasabi ko nun ay nahiga na ko. Maya maya ay nakaramdam na ko ng antok
kaya napagpasyahan kong matulog na dahil paniguradong masayang araw ang bubungad sakin kinabukasan....