It's your smile, your face, your lips that I miss
Those sweet little eyes
That stare at me and make me say
I'm with you through all the way.
'Cause it's you, who fills the emptiness in me
It changes ev'rything, you see
When I know I've got you, with me...
With me...Nung matapos si kian ay nagpalakpakan kaming lahat. Pinuri sya ng lahat dahil napabilid ang mga ito sa boses nya.
Sinisiko pa nga ako ni althea. Marahil ay nakita nya ang titigan namin ni kian.
Nagku kuwentuhan kami ng mga nakakatawang bagay ng
"Okay let's play a game" biglang sabi ni Gina.
"Ano naman yang game na yan Gina?" tanong ni Cynthia.
"Ganito, magbibigay tayo ng message kahit kanino, nandito man o wala. Basta yung gusto mong sabihin sa taong yun. Sasabihin mo"
Sasagot sana ako na wag na yun dahil pakiramdam ko ay masamang ideya yun.Kaso nagtanguan sila
"Oo maganda yun. Tara game. Sino
magsisimula?" sabi ni Danna.Nagtaas ng kamay itong magaling kong bestfriend.
"Ako na mauuna ah" nagtanguan naman kaming lahat.
"I never really thought na
magkakatuluyan tayo, grabe kakapasok ko pa lang ng high school, crush na crush na kita. Lagi nga akong inaaway ng bestfriend ko dahil bihira ko na lang syang samahan non dahil lagi akong nanunuod ng basketball game or kahit practice game mo lang. Sobrang saya ko nung naging girlfriend mo ko. Dumaan sa up and
downs, muntik ng maghiwalay and I just can't believe I am married now to you. I am just so happy. You are my dream come true" sabi ni althea.Nakita kong mangiyak ngiyak na halos si Gina,Cynthia, at Danna.
"Sana pinangalanan mo na lang no? Hahaha. Hindi halatang si Josh e" sabi ko.
Nagtawanan naman ang lahat.
"Bwisit ka sofia" sabi ni althea sakin.
Nag share pa ng nag share ang lahat pero kaming dalawa ni kian ay tahimik lang.Umiiwas ako ng tingin pag magtatama ang mata naming dalawa.
"Ma'am Sofia. Ikaw naman mag share ka" udyok sakin ni Danna.
"Ayaw. Ayaw ko" sabi ko na sunod sunod na umiling.
"Ay wag KJ. Ma'am sofia. Please na" sabi ni Cynthia.
Binigyan ako ng go on look ni Althea
I sighed in defeat.
I knew this is a bad idea pero panahon na din siguro para ilabas ko itong nasa loob ko.
I looked at Thunder.
He is looking at me intently.
Titig nya pa lang para nang may nagtatambol sa puso ko."Hindi ko alam kung paano to sisimulan. Hi! It's been 5 years isn't it?" nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin sakin si thea at Josh. Kilala na agad nila ang sinasabi
ko. Huminga ako ng malalim."5 years na ang nakalipas pero hanggang ngayon nararamdaman ko pa din yung sakit.Sabi nila time heals all wounds pero parang hindi ganun para sakin?" pinipigilan kong
umiyak. "Hindi ko kasi maintindihan kung bakit sya yung pinili mo kahit na mas matagal mo na kong kilala at kasama. Ever since high school mahal na kita, pero nung nag confess ako sayo bigla ka na lang nagbago, kaya ginawa ko ang lahat para mapasakin ka at nag success ako" mapait akong ngumiti. Nakatitig
lang sakin si kian at ganun din ako sa
kanya."Success nga ba talaga kung ang naging impiyerno ang buhay ko habang nasa tabi kita.Every moment pinaparamdam mo sakin na I don't deserve you. Akala ko magiging maayos na tayo nung umalis tayo pa boracay pero kinabukasan bigla ka na lang umalis at doon na
nagsimulang gumuho ang mundo ko. Na meet ko yung babaeng mahal mo, naging kaibigan ko pa. Kahit ang sakit sakit na tiniis ko kasi ayokong masaktan sya at ayokong magalit ka
sakin at mawala ng tuluyan. Sa sobrang takot ko na wag masaktan yung babaeng mahal mo, hindi ko inakala na sasaktan nya ko na
nahantong sa paghihiwalay nating dalawa.Akala mo ba madali sakin na iwan ka? Hindi! Pero alam kong pag nanatili ako sa tabi mo mas masasaktan lang ako. Ngayon sabihin mo sakin? Pano ko aalisin yung takot sa puso ko at magawang mahalin ka ulit kung bawat minuto
sinasaksak sa kukote ko lahat ng nangyari?Pano? Kasi kung papipiliin ako ayoko ng masaktan ulit kaya dapat itigil mo na ang ginagawa mo. Tama na ang minsan. Tama na
ang isa. Wag mo ng dalawahin pa....