CHAPTER 44

1.9K 25 0
                                    

Sofia POV.
Nagising ako sa tunog ng cellphone kong nagri ring. Kinusot ko muna ang mata ko para makita kung kanino galing ang tawag. Sinagot ko naman iyon.

"Good morning princess! Rise and shine! Bawal ma late! See you in school!" sabi nya.

Napangiti naman ako, ang sweet nya talaga. Walang pinagbago.

"Tsk. Oo na Mr. Kenz Rein Hermoza.
Babangon na. See you in school. Thanks for waking me up" sabi ko at in end na ang call.

Yup that's Cloud. Buti pa sya hindi nagbago. It's been 2 weeks since nung nag boracay kami pero pakiramdam ko maiiyak pa din ako every time na maalala ko.

Nagising ako nung umaga dahil sa sikat ng araw. Hindi ko pa agad dinilat ang mga mata ko dahil I am still recalling kung totoo ba yung
mga nangyari kahapon at especially nung gabi.

Pag dilat ko ng mata ko. Hinanap ko agad si Kian Pero wala sya.

Wala na si kian pagkagising ko.
Pagkalabas ko ng hotel para hanapin sya ay sinalubong ako ng dalawa sa mga tauhan nya at sinabi nitong umuwi na si kian at uuwi
na din ako. We are supposed to stay there for a week pero hindi ko alam. Inisip ko na lang na may emergency.

Pero hindi, dalawang linggo na ang nakalipas. One week na din since mag resume ang klase.

Pero hindi pa din ako kinakausap ni kian, ramdam na ramdam kong iniiwasan nya ko.

Hindi rin sya madalas umuwi sa bahay kung uuwi man sya magkukulong lang sya sa kwarto. I badly wanted to talk to him.

Ano bang nangyari? Akala ko kasi okay na kami. Pero mukhang mali na naman ako. Hindi ko maintindihan.
Hindi ko sya maintindihan.

I sighed. Bago pa ko maiyak ay tumayo na ko para makapag ayos na. Makapasok na nga lang kesa mag emo na naman ako.

Mas lalong nadagdagan ang stress ko ng maalala ang nangyari nung isang araw. Na carnap lang naman ang kotse ko, kabang kaba ako nun dahil akala ko magagalit si kian pero alam mo ang sinabi nya lang.

"Wala akong pakielam sofia, kotse mo yun. Why should I mind your business?" pagkasabi nya nun ay tumalikod na sya at nag lock na
ulit ng kwarto.

Bukod sa nawala na ang kotse ko, mukhang nawalan din na yata ulit ng pake sakin si kian.

Nag ko commute na lang muna akong pumasok. Minsan hinahatid or sinusundo ako ni althea or kenz kaya hindi na hassle sa pag travel but minsan lang ako nagpapasundo or hatid dahil nakakahiya din.

Isa pa, the more na nagiging close kami ni kenz baka isipin nya na may pag asa sya sakin. Ayoko naman yun. Ayoko syang masaktan. Pero kapag nag i start na kong umiwas. Mas nalulungkot sya. Maybe if I never met kian, maybe nainlove na ko kay kenz.

He is such a great guy. Napaisip ako, if ever pero wag naman sana na
mag divorce kami ni kian.

Maiinlove kaya ako kay kenz? Matututunan ko din kaya syang
mahalin? Kung ganun lang sana kadali yun.

Pumara ako ng taxi at sumakay na dun. Pagkababang pagkababa ko ay nakita ko agad si kenz na, nakasandal sa sasakyan nya. Lumapit ako sa kanya.

"Hmm. Pwede naman kasi kitang sunduin bat ba kasi pinipilit mo pang mag commute?" sabi nya sakin.

Nginitian ko sya at pinoke ang noo nya.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon