CHAPTER 103

1.8K 21 1
                                    

Napahilot ako sa sentido ko, pakiramdam ko ay maha high blood ako.

"sofia, don't be stubborn. May I remind you na conjugal property natin ang lahat. So basically, co owner ako ng kompanyang to and
so are you to my company"Nakita kong nanlaki ang mata ni Gina sa
narinig nya. Hindi naman kasi batid nito na may asawa ako dahil ang alam nya lang is boyfriend ko si kenz.

"kian!" saway ko dito na nginitian lang ako. Nakatingin na sya sa sekretarya ko.

"Mukhang di yata alam ng secretary mo na ako ang asawa mo" she smiled at her at kahit naiilang ay ngumiti pabalik si Gina.

"Gina right?" tumango naman ito.

"Ayan, kilala mo na ko, ako ang legal nyang asawa kaya wag mo ng papasukin yung panget na lalaking
umaaligid-aligid sa asawa ko or else I'll fire you"

"kian!" galit ko ng suway sa kanya.
Halatang natakot sa kanya si Gina.

"Gina, pasensya ka na hindi ka nyan
tatanggalin" pag explain ko dito and then nag ease na yung mukha nito.

"Ikaw walang hiya ka. Tara dito, dito tayo mag usap. Malilintikan ka talaga sakin. Ilang beses mo na bang ginagamit yang posisyon mo to get
what you want" sabi ko habang bara-barang hinili sa tenga si kian papasok sa opisina ko.

"Aray!" sigaw nya nung finally makapasok na kami sa opisina ko.

"Ano ba talagang gusto mo?! Bakit kailangang magpagawa ka pa ng opisina dito?! Nababaliw ka na ba? Hindi pa ba klaro ang lahat sayo?"
naiinis kong sabi. Naka cross arms na ko.

"I told you sofia, I would do anything to get you back, ikaw yata ang hindi nakakaintindi? I don't care if you have that boyfriend of yours.Quits na kami" seryoso nyang sabi.

"What do you mean?"

"Sa tingin mo ba pumayag akong bugbugin nya ko nung sumugod sya sa bahay ng walang dahilan?"

umupo sya sa couch dito sa opisina
ko. "I am grateful na inalagaan ka nya at alam ko namang mahal ka nya and to compensate the pain that I will bring him once na bumalik
ka na sakin, nagpasapak na lang ako when I can kill him right away"

Napalunok ako, so yun pala ang dahilan kaya pala hindi sya lumaban nung gabing yun.

"Why so confident na babalik ako sayo?" I asked him.

"I know and I feel it. I know you do too" a smile played on his lips.

"Really?" I faked a laugh. "I don't want you back, you see, masaya na ko kay kenz at sya na ang mahal ko. I am completely over you kian"
Kinakabahan ako habang sinasabi ko yan.

Totoo naman diba? Totoo naman na mahal ko na si kenz diba? Na hindi na si kian.

Lies

Ayan ang pilit na dinudukdok sakin.

"Really?" tumayo si kian at lumapit sakin.

Umatras naman ako ng umatras para di sya makalapit sakin kaso tumama na ko sa mesa.Dead end. He bent his head towards me.

Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa.Nakangiti pa din sya pero ako halos hindi na makahinga. Para kasing gusto ng lumabas ng puso ko.

"A-ano b-bang g-ginagawa mo kian!" sabi kong na nauutal utal.

"You said that you are completely over me?Let's see, what if I kiss you?" tanong nito sakin.

I don't know if it's a joke or he's saying that he will really do it pero parang aatakihin na ko sa puso.

"W-wag mong gagawin yan! Isa kian!" suway ko sa kanya.

Yung mata nyang kulay chocolate are making him more hard to resist. Damn!

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon