(MHMP) CHAPTER 28

2.2K 39 0
                                    

Chapter 28

Ilang minuto pa kaming nagtagal doon bago naisipang pumunta na sa parking lot.

Umaambon na pala,  inaaalalayan pa ako ni Kian dahil masakit talaga ang paa ko pero bago pa man kami makalapit kila Althea ay nakita ko si Kai. na may pinapayungan na babae, hinatid nya iyon hanggang sasakyan at nakangiti sya dito.

Hindi ko alam pero parang may sumuntok sa dibdib ko at feeling ko iiyak ako at baka manugod pa ko ng babae ng di oras.

Buti na lang nakalapit na kami kila Althea at umalis na yung sasakyan ng babae at sumakay na din si Kian sa sasakyan nya.

"So where are we gonna eat?" tanong ni Althea.

"Bilis decide na agad, grabe napagod kaya ako kakalagay ng mga regalo sayo sa sasakyan mo Fia, halos di na kasi magkasya" sabi ni Josh.

I faked a smile, ayoko namang mag iiyak sa harapan nila no.

"Wait, what happened to your foot Fia?" nag aalalang tanong ni Althea.

"It's my fault" sabi ni Kenz.

"No it's not! Ikaw talaga, aksidente yun no" sagot ko.

"Kasalanan ko, nagulat ka kasi sakin"

"Ayiee! Ang sweet nila, bagay kayo" pang aasar samin ni Josh kaya sinamaan ko sya ng tingin.Nag peace sign naman sya.

"So san nga tayo kakain?"

"Inom na lang tayo, I want to drink"
Lahat sila nagulat sa sinabi ko.

"Sure?" Althea

"Yep. Let's go"

"Okay fine, I know a great place" sabi naman ni Josh.

Kenz POV.

" Un-break my heart
Say you'll love me again
Undo this hurt you caused
When you walked out the door
And walked out of my life
Un-cry these tears
I cried so many nights
Un-break my heart
My heart"

"Kung hindi lang birthday nyang si Sofia, ipapalunok ko talaga yung mic sa kanya e" sabi ni Althea kaya nagtawanan kami ni Josh.

"Grabe totoo pala yung sinabi mo babe, that she have a terrible voice parang mababasag na eardrums ko e" Josh.

Ngumisi lang ako. Si Sofia nandun sya sa tapat ng TV, at nagka karaoke.

Well, she don't have that angelic voice pero ayos lang sakin, maybe
because gusto ko sya kaya kahit yung flaw nya e kaya kong tanggapin. I looked at her, lasing
na sya dahil marami rami na din ang nainom nya.

"Hindi ko alam pero naturingang matalino yan pero ang tanga tanga pag dating dun sa asawa nya. Bat di nya pa kaya hiwalayan ng matapos na yang nararamdaman nya" sabi ni Althea.

"She must really love Kian" yun lang ang nasabi ko.

Oo masakit, sobra akong nasaktan ng malaman ko yung totoo. Pero para sakin, mas masakit pag nawala si Sofia sa buhay ko. Kaya just like
her ito ako nagpapakatanga. Loving her even though it's clear like a crystal na mahal na mahal nya ang asawa nya.

"Bro, galingan mo kasi. Pa inlove-in mo na kasi yang si Fia" sabi ni Josh.

"If its only that easy" sagot ko. Magsasalita pa sana si Josh ng ma interrupt kami ng biglang pag iyak ni Sofia kaya agaran kaming lumapit sa kanya.

"Fia, what's wrong?" nag aalala kong tanong sa kanya dahil baka sumakit bigla yung sprain nya.

"Hoy Sofia, get a hold of yourself!" sigaw ni Althea sa kaibigan.

"I can't! I tried to but I can't! Panget ba ko? Hindi ba ko worthy para mahalin?" umiiyak nyang sabi at nagtaas sya ng tingin para tingnan kaming tatlo.

Seeing her crying like that, Hell! I wanna punch Kian right now. Ayoko, ayokong nakikitang ganito at nasasaktan si Sofia.

"No, of course not" sagot ko..

"Kung ganun, bakit hindi ako kayang mahalin ng asawa ko? Bakit parang basura lang ako sa kanya? Ayoko na, ayoko na. Sawang sawa na ko.Pagod na pagod na kong masaktan pero sa
tuwing makikita ko sya ito na naman ako umaasa, ganun ko sya kamahal e na kahit ang sakit sakit na, nandito pa din ako nagpapakatanga sa kanya"

And it hurted me, nasaktan ako sa sinabi nya pero alam ko mas nasasaktan sya ngayon.Parehas lang kami ng posisyon.

"Take her home Kenz, lasing na yan. Kami ng bahala sa kotse nya" utos sakin ni Althea kaya dali dali kong binuhat si Sofia.

"Hey! Where are we going?! I'm going to sing more!" sigaw ni Sofia, lasing na talaga sya.

"Wag na Fia, please lang" sabi niJosh.
Palabas na kami ng bar ng magsalita ulit sya.

"I don't know how to save myself from this foolishness" sabi nya bago tuluyang pumikit.Maya maya ay hindi na sya gumalaw at nakatulog na.I kissed her in the forehead.

"I will save you, if only you'll let me, I love you Sofia" Tulog na tulog si Sofia habang nagmamaneho ako pauwi sa kanila. Buti na lang at tinuro sakin nung guard yung bahay ni Fia since kasama ko naman sya.

Palapit pa lang ako sa bahay nila ng makita kong nakatayo si Kian sa labas nun.

Hininto ko sa tapat nya at bumaba ako mula sa sasakyan. Halata mong nagulat sya sakin.

"What are you doing here?" seryoso nyang sabi sakin.

"Hinatid ko lang si Sofia"

"So you know about us?"

"Yes" Tiningnan nya lang ako at nilagpasan ako. Walang pasabi nyang binuksan yung pintuan ng
sasakyan ko kung nasan si Fia. Binuhat nya to.

"Thank you for taking her home, I'll take care of her. Next time na uminom sya. Tawagan nyo na lang ako at ako na ang susundo" sabi nya.

"Yeah you take care of her now, hanggat hindi ko pa sya nakukuha sayo" Nakita kong nangunot ang noo nya at nakabakas ako ng inis mula sa mata nya.

"What do you mean?"

"You know what I mean" Ngumisi sya.

"Don't even try to, alam mo kung gano ako kamahal ni Sofia, at kahit na anong gawin mo, hinding-hindi mo makukuha ang asawa ko sakin"

pagkasabi nya nun ay tinalikuran nya na ko at pumasok na sila sa loob. Why would he say that? Ano bang problema nya? Akala ko ba ayaw nya kay Sofia or is he being selfish now. Did he just feel threatened? Pero kung dahil sa pagiging selfish nya ay masasaktan si Fia, hindi ako makakapayag.
Gagawin ko ang lahat.

I won't give up Sofia that easily.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon