CHAPTER 83

1.9K 30 1
                                    


Sofia Pov.

Bumaba ako ng sasakyan ng minamaneho ko at tumambad sakin ang malaking mansyong ito kung saan ako lumaki kasama ang mapagmahal kong magulang.

Ang bilis pala talaga ng panahon, akala ko talaga noon mananatili lang akong bata at baby ni mom.

Nag door bell ako at pinagbuksan ako ng yaya namin dito.

"Ma'am sofia, good evening po. Tamang-tama ang dating nyo, dito na kayo maghapunan, kakatapos lang po nilang kumain" sabi nito
sakin.Pumasok ako.

"Hindi na yaya, kakatapos ko lang din mag dinner e, galing ako sa business meeting" sabi ko bago nag diretso papasok.

Mabilis na hinanap ng mata ko ang pinunta ko rito at nakita ko itong nakaupo sa couch at nakatalikod.
Ngumiti sakin si mom ng makita nya ko.

"Look who's here to fetch you" sabi nya sa malambing na tono dito.
Agad agad naman akong nilingon nito at nagtatakbo sakin, sinalubong ko sya ng yakap.

"Mommy! Mommy you're back"

"Yes baby, galing lang sa work si mommy, I missed you" I said.

Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at hinalikan ang pisngi ko.

"I missed you more mommy" sabi nya.

"Para naman ang tagal nyong hindi nagkitang dalawa, kakahatid lang sayo ni mommy mo this morning" sabi ni Dad.

"sofia, sa dining table na tayo mag usap" sabi sakin ni mom.

"Come klea, dito ka muna kay grandpa,kakain lang si mommy" sabi ni dad kaya mabilis na tumakbo sa kanya si klea at kumandong.

Napangiti naman ako sa pagiging sweet ng anak ko.

Yes she's  Klea, my 4 year old
daughter.

"Sofia, lumalaki na ang apo ko, hindi pa ba sya nagtatanong tungkol sa ama nya?" tanong sakin ni mama kaya napaupo ako sa dining table. I
sighed.

klea is my daughter, at anak din sya ni kiam. How can I hide that fact when our daughter and him have the same eyes, eye color, and nose. Kung pagdidikitin silang dalawa, malalaman mong anak nya talaga ito.

Kaya I am doing my best to hide her dahil ayoko ng magkaroon pa ng komplikasyon at mawala ang anak ko sakin.

Pano nga bang nandito si klea at buhay when the doctor clearly said that I had a miscarrige.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon