162

1.3K 16 0
                                    

Sinamaan ko sya ng tingin.

"kian isa! Umayos ka na" sabi ko.
Tumawa sya.

"Oo na, oo na love" sabi nito.

Pwede ba? Pwede bang tigilan nya muna yang love-love na yan dahil pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko.

"Mag restroom lang ako" sabi ko.

"You want me to accompany you?" tanong nya.

"Tse!" sabi ko at naglakad na papunta sa restroom.

Naiihi na talaga ako, peste kasing kian to, kung anu ano ang sinasabi! Sa sobrang kilig naiihi tuloy ako.

Pagkatapos ko sa restroom ay bumalik na ko sa venue.

Marami rami ding tao, may mga politician at artista din. Sa tingin ko around 200 people ang bisita kaya nahihirapan ako ngayon na hanapin si kian.

At nung mahanap ko sya ay nanliit ang mata ko. Ang hinayupak pinapaligiran ng mga babaeng akala mo ay lalamunin sya.

Nakatalikod sya sakin nung makalapit ako.

"So Kian, what you say? Labas naman tayo some other time" sabi nung isang babaeng akala mo pinaglihi sa mangga dahil ang haba ng baba.

"Wag na kian, tayo na lang, we can go out then to my condo after nitong party"sabi naman nung isang maputing intsik.

"No, kami ni kian ang lalabas" sabi
nung isang babaeng mukhang model pero hindi na sya mukhang model sakin dahil nilalandi nya ang asawa ko.

Hindi na ko nakapag pigil at gumitna na sa kanila. Nasa harapan ako ni kian.

"Excuse me ladies, but my husband is off limits. Ang daming lalaki dito sa party,humanap kayo ng ibang lalandiin" sabi ko.

"Dream on girl, asawa daw sya ni
kian. Nagpapatawa ata sya" sabi nung intsik.

"Miss, imposibleng magpakasal ang isang kiab sa isang tulad mo" sabi ni
mangga.

"Yep. Compared to me, ako ang pipiliin ni kian. Right kian?" sabi ni model.

Fvck. Maka kian sya akala mo super
close sila! Tiningnan ko si kian. He
chuckled.

Anong tinatawa tawa nya dyan? Gusto nya bang sapakin ko sya.

Pumunta sya sa gilid ko at hinawakan ang kamay ko.

"Believe it girls, I'm married to her. She's more beautiful and lovely than all of you"sabi nito.

Ipinulupot nya ang kamay nya sa bewang ko at hinalikan ako sa ulo.

Nakita ko namang nagsi simangot ang mga babae dito at isa isang nag alisan pero wala akong pakielam dahil pakiramdam ko ang ganda ko dahil sa ginawa ni kian.

Hinarap ako ni kian sa kanya. I
frowned.

"Nawala lang ako saglit, nambabae ka agad" sabi ko.

"Hindi ako ang lumapit. Sila kaya" sabi nito.

"So hindi pwedeng umiwas?"
Tumawa sya.

"Sorry, selosa ka pala talaga" sabi nito.

"Ever since" sagot ko. Nginitian nya ko.

"Let's dance para mawala yang init ng ulo mo" sabi nya at hinila na ko.

Madami dami na ding mga couples ang nagsasayaw.

Forever can never be long enough for me

To feel like I've had long enough with you

Forget the world now, we won't let them see

But there's one thing left to do

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon