CHAPTER 84

1.8K 30 1
                                    


Flashback

5 years ago.
Kakalabas lang ni kian ng hospital room ko at nag iiyak pa din ako.
Lumabas ako sa veranda ng hospital room ko.Depressed na depressed ako dahil parehas ng nawala ang dalawang taong mahal na mahal ko.
I should die.

Sumampa na ko sa railings at handa ng tumalon ng biglang may humatak sakin pabalik.

"What were you thinking sofia!" sigaw sakin ni kenz. Sumalubong sakin ang galit nyang mukha. Unang beses ko itong makita.Patuloy pa rin akong umiiyak.

"Let me be, let me be! Gusto ko ng mamatay. I am alone now!"

"No you're not! Anong hayaan ka? Sa tingin mo ba papayag ako na makita kang tumalon dyan?"

"Ayoko na kenz, pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin pa to" sabi ko sa kanya.Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at hinarap ako sa kanya

"Kayanin mo para sa baby mo"

"Pero wala na sya kenz! Patay na ang anak ko!"

"Hindi, hindi sya patay. Dinadala mo pa din ang bata" pagkasabi nya nun ay binitawan nya ko at nag iwas ng tingin.

Hindi ko naman maintindihan kung ano ang sinasabi nya.

"W-what do you mean kenz?"

"Buhay pa ang bata sofia, nasa sinapupunan mo pa ang bata, hindi sya nalaglag" sabi nito na labis kong ikinagulat. Mabilis kong hinawakan ang tyan ko.Totoo ba ang sinasabi nya? Kaya ba pakiramdam ko ay may buhay pa rin sa loob ng sinapupunan ko?

"Pero ang sabi nung doktor, wala na ang baby ko"

"I asked her to do that, I asked my mom to lie to you. That doctor is my mother sofia. I'm sorry" I can see guilt in his eyes.

"Ano? Bakit mo to ginawa?!" galit ko syang hinahampas. Hindi nya ba alam na halos mabaliw na ako.

"Dahil kapag nalaman mong okay ang bata,baka hindi ka pa rin matauhan. I did that so I could protect the both of you! Kapag bumalik ka kay kian hindi tayo makakasigurado na lulubayan ka na nung Ella. Pano kung may gawin na talaga syang masama at tuluyang
malaglag ang baby mo? Kung gusto mo talagang protektahan ang bata, isipin mo ang kapakanan nito sofia"

End of Flashback

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon