CHAPTER 49

1.7K 28 0
                                    

Sofia POV.
"Ma'am sofia, kainin nyo na po yang almusal nyo" sabi sakin ni Yaya Minda kaya napatingin ako sa pagkain ko. Hindi ko pa pala nababawasan. Wala talaga
akong ganang kumain at pakiramdam ko gusto ko na nga lang magkulong sa kwarto at mag
iiyak pero sadyang mapilit si kenz na
susunduin daw nya ko ngayon.

Magaling na si kian, may sipon na lang daw sya ngayon. Yun yung sabi sakin ni Yaya Minda.

Maagang umalis si kian, wala man
lang pa thank you. Maaga syang umalis dahil pupuntahan nya malamang yung Dani na yun. Ayan na naman. Feeling ko iiyak na naman ako.

Bwisit na buhay to. Tumayo na lang ako at iniwanan yung pagkain ko.
Narinig kong tinatawag pa ko ni Yaya Minda pero hindi ko na lang yun pinansin.

Nag tricycle na ko hanggang gate ng subdivision namin. Pagkababa ko dun ay nakita ko na agad ang kotse ni kenz.

Bumaba si kenz mula dito at nakangiting lumapit sakin.

"Good morning princess!"
nakangiting bati nito sakin.

Tumango lang ako, hindi ako makangiti. Sumakay na ko sa unahan dahil pinagbuksan na ko ni kenz. kenz is such a gentleman and
caring. Umikot na ito at sumakay sa driver's seat.

"Are you okay fia?" tanong nito sakin. Tumingin pa to sakin.

No. I'm not okay kenz. Gusto ko na lang mag iiyak ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong malulungkot din si kenz kapag
umiyak ako.

"I'm fine" sagot ko.

"You don't look fine, nakatulog ka ba? Cause you don't look you had some sleep" sabi nya.

Hindi rin ako nakatulog. Feeling ko kung hindi dahil sa make up na in apply ko mahahalata na talaga nyang mugto ang mata ko. Bwisit na kian.

"Okay lang ako kenz. Wag mo na kong alalahanin" sabi ko. I faked a smile para lang mapaniwala sya.
Nag sigh sya at nginitian din ako.
Sinandal ko ang ulo ko sa may bintana at hindi ko nalaman na nakaidlip pala ako.

"fia, fia wake up. We're here" dali dali kong dinilat ang mata ko, at tiningnan ang labas.

OMG bakit ba kasi nakatulog ako. Imbis na before sa school pa ko mababa ni kenz ay nandito na kami sa parking lot at ang daming estudyante.

"Tara na fia, male late ka pa sa klase mo" sabi ni kenz at bumaba na ito ng sasakyan.

Inayos ko ang sarili ko. Bahala na, nandito na din naman e. Pinagbuksan ako ni kenz ng pinto
kaya bumaba na ko.

"Thank you kenz ah. Papasok na ko, pumasok ka na din" sabi ko.

"Yep. Just call me kung may problema" sabi nito. Kaya tumango ako. Naglakad na sya papunta sa building nila at ganun din ako.

Papasok pa lang sana ako sa room namin ng harangin ako ng mean girls.

"Tabi dadaan ako" sabi ko. Lalagpasan ko na sana sila ng hatalin ako sa braso ni Athena at
hinarap sa kanila.

Pak

Nanlaki ang mata ko ng makaramdam ako ng sampal mula kay Venus.

"Bakit mo ko sinampal? Para san yun?" galit kong tanong.

"Ang lakas naman ng loob mo magtanong, You're so malandi sofia" sabi sakin ni Athena.

"Ako? Ano bang ginawa ko sa inyo?"

"Yeah you are, bakit ka sumakay sa kotse ni kenz! Ang landi mo para akitin yung Campus Crush dito! Layuan mo si kenz!" Angal sakin ni
Gail.

"Ang dudumi ng isip nyo, magkaibigan lang kami ni kenz"

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon