"Hindi, sige na sumakay ka na sa kotse, susunod ako" sabi ko.
Sinakay na sya sa kotse at sumakay na din ako sa kotse ko. Nakarating naman agad kami sa bahay. Inalalayan sya paakyat ng mga guards nya at ako naman ay nagtungo sa stock room para
kumuha ng alcohol, bimpo, planggana at gamot. Pagkatapos ay nag diretso ako sa kusina at nagpa init ng tubig."Ma'am Fia!" nagulat ako sa sigaw ni yaya minda. Nabagsak nya pa ang mga pinili nya.Dali dali akong tumakbo para yakapin sya.
"Yaya I missed you!" sabi ko. Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ako sa mukha.
"Aba, pagka ganda ganda na ngsofia namin ah. Mabuti naman at bumalik ka na kay Sir kian" nakangiti nyang sabi.
"Hindi po yaya, hindi kami nagkabalikan, nagkataon lang po na no choice kaya ako ang mag aalaga sa kanya. May sakit po kasi sya e"
pagdadahilan ko. Bahagyang lumungkot ang mukha ng ni yaya."Akala ko e nagka ayos na kayo, masyado kasing naging miserable yang alaga ko nung nawala ka" sabi nito.
Pakiramdam ko ay may sumuntok sa puso ko.
"Pano pong miserable?" tanong ko.
"Basta, lagi na lang syang malungkot. Hindi ko ma explain" sagot nito.
Sakto namang pumito na ang takure kaya nahinto ang pag uusap namin. Dali dali ko itong nilagay sa planggana.
"Yaya, mamaya na po tayo mag chikahan ah.Baka kasi kinukumbulsyon na yung alaga mo
doon" sabi ko. Tumawa sya."O sige, doon ka na sa kwarto mo dumiretso.Doon na kasi nagku kuwarto si kian.Namimiss ka kasi nya palagi"
Napahinto ako dahil sa sinabi ni yaya. Ayoko mang maniwala pero itong puso ko parang mababaliw na.
Umakyat ako sa kwarto ko. Nakita kong nakahiga si kian dun at nakabalot ng comforter. Inayos ko si kian. Una ay nagdadalawang
isip pa ko kung pupunasan ko sya pero tinuloy ko na. Pinunasan ko sya at pinalitan ng damit."kian" pag gising ko sa kanya.
"Hmm" sagot nito.
"Bumangon ka muna dyan at kumain nitong nilutong lugaw ni yaya tas uminom ka na ng gamot" sabi ko.
Kahit nanghihina sya ay bumangon pa din sya at umupo. Inabot ko sa kanya ang tray ng pagkain.
Pero ilang minuto na ay hindi nya pa din ito ginagalaw.
"Bakit hindi ka pa din kumakain? Ayaw mo ba nyan? Magluluto ako ng iba" sabi ko.
"I'm too weak. Subuan mo na lang ako" sabi nya.
"Ano ka bata?!" galit kong sabi. Si klea nga hindi na nagpapasubo sakin e.
"E di wag, di na ko kakain. Matutulog na lang ako" sabi nya at umaktong mahihiga na ulit pero pinigilan ko sya.
"Fine, fine sige na. Susubuan na kita" I said in defeat.
Ngumiti naman sya.
May sakit ba talaga to.Sinubuan ko sya at ang ginawa nya lang all the time ay titigan at ngumingiti ng ngumiti.
"Isa pang ngiti mo dyan, ipapasok ko sa lalamunan mo tong kutsara" sabi ko.
Nag pout sya and god! He just looks so adorable.
"I'm just happy" sabi nya.
"Sa lahat ng may sakit, ikaw ang masaya" sabi ko at sinubo na sa kanya ang huling kutsara ng lugaw.