CHAPTER 37

2K 29 0
                                    


Sofia POV.
Nakailang check na ko sa bag na dadalhin ko, actually 2 bags sya. Feeling ko nga kulang pa ito. Kaya check ako ng check kung may kulang. Buti na lang, marami rami akong swimsuits at sunblock. Sobrang ready at excited na ko sa
araw na ito.

Sinilip ko ang relo ko. Magtu 2am na pala. Ilang oras na lang pala.  Napahinto ako sa ginagawa ko ng may kumatok sa pinto ko at walang sabing binuksan yun.

Sino pa ba? E di ang magaling na mister ko.

"Don't tell me you're not than yet?" tanong nya.

"Chinicheck ko lang naman kung may kulang" sagot ko sabay pout.

"What? May kulang pa dyan? That's two bag already sofia, hindi tayo dun titira. Akin na nga yang bag mo" nagulat ako ng bitbitin ni kiam ang 2 bag ko. Napansin ko din na naka backpack sya pero yung kanya di hamak na maliit lang kesa sakin at isa lang.
"Ako na maglalagay nito sa kotse, baka mamaya maisipan mo pang dalhin tong buong bahay e" pagkasabi nya nun ay bumaba sya.

Napangiti ako, what kian's doing right now is giving me hope, so much hope that this vacation will be really great and that this can help fix our marriage.

Pagbaba ko ay narinig ko ng pinapaandar na ni kian ang makina ng sasakyan.

Kaya nagmamadali ako papunta sa kanya. Nakasalubong ko pa si Yaya Minda.

"Bye yaya minda! See you when we get back!" pasigaw kong sabi habang tumatakbo papuntang garahe.

"Sige Ma'am sofia, mag enjoy kayo ni Sir" paalam nito sakin.

Agad agad akong sumakay sa kotse ni kian, grabe first time kong makakasakay dito nang hindi injured.

Alam ko kasi sinakay nya lang ako dito nung dinala ako sa ospital at nung pauwi. Ultimo sa kotse e sobrang malinis si kian.

"Umidlip ka muna, hindi ka yata natulog kakaayos ng gamit mo, 1 hour away pa naman tayo" sabi sakin ni kian.

Tiningnan ko sya pero diretso lang ang tingin nya sa daan. Masyado syang focus sa pagmamaneho kaya nagkaroon ako ng chance para titigan sya.

Sa gwapo ba naman nitong asawa ko, sinong hindi mahuhulog. He's so damn perfect for me.

"Quit staring sofia, I told you to go to sleep hindi ang titigan ako" pagkasabi nya nun ay tinitigan nya ko pero mabilis din nya namang
inalis yun at binalik ang atensyon sa
pagmamaneho.

Damn those chocolate eyes. You really can't resist them.

"Yes sir, oo na iidlip na" yun na lang ang sinagot ko. Gusto ko sanang sabihin na pwede bang i holding hands mo na lang ako habang
nagmamaneho, dahil yun ang usually kong napapanood sa palabas. Pero wag na lang baka
masira ko pa mood nya.

Triny kong pumikit, triny konh umidlip. Pero no work. After 10 minutes. Dumilat na ko, I can't sleep. I am so excited.

"Hindi ako inaantok e" sabi ko kay kian.

"Hmm. Fine" maikling nyang sagot.

"kian?" tawag ko sa kanya.

"What?" nilingon nya ko ulit.

"Can we, can we?" hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil baka magalit sya.

"Can we what?" lingon ulit sakin, tas balik ulit sa daan.

"Uhm. Can we hold hands?" whoo! Buti nasabi ko din. Grabe kanina ko pa talaga gusto yung ilabas.

Hinihintay kong sumagot sya pero wala. Hala! Baka nagalit na sya sakin.

"Joke lang, wag ka ng magalit" yun na lang sabi ko. Patay ako, nasira ko na ang mood. Grabe ka naman kasi sofia e! Masyado mong pinapahalata kung gano ka kainlababo dyan sa asawa mo.

I sighed. Tumingin na lamang ako sa labas.

Pero halos mapatalon ako sa upuan ng hinila ni kian ang kamay ko. And held it.

Hindi pa masyadong nagsisink in sakin pero totoo ba to? Magkaholding hands kami? Hawak
nya ang kamay ko habang nagmamaneho sya.

"Don't say anything, or I'll let go of it" sabi ni kian kaya sinign ko pang sini zipper ko ang bibig ko.

Okay lang kahit habang buhay na kong hindi magsalita kung habang buhay naman syang nandyan para hawakan ang kamay ko.

Yung puso ko parang sasabog kahit sa simpleng holding hands lang namin. I feel so electrified. Does he feel it too.

Damn! Sana nag holding hands kami ng tanghaling tapat at sa edsa kami nagdaaan para traffic, para matagal nyang hawak ang kamay ko.

Pakiramdam ko mawawasak na ata ang bibig ko kakangiti.

Makalipas ang isang oras ay nagpark na kami malapit sa airlines. At ayun na nga binitawan na ni kian ang pagkakaholding hands namin. Pero binuhat nya pa din naman ang mga gamit ko.

May sumalubong saming lalaki, inabot ni kian ang susi ng sasakyan.

Marahil ito ang mag uuwi nito.
Papasok pa lang kami sa entrance e halos mabalian ng leeg ang mga babaeng nadadaanan namin kakatingin kay kian.

Perks of having a gorgeous husband. Nakasakay na kami ng eroplano. Almost 1 hour din ang paghihintay namin. Humikab ako, ngayon pa ko inantok. Ano ba
naman yan. Nakakantok kasi yung palabas e. Hindi ko maintindihan yung language. Napahikab na naman ako. Kaya naisipan ko ng
matulog. Kaya sumandal na ko sa bintana.

Kaso bigla naman akong nauntog ng umandar na ang eroplano. Napahawak ako sa noo.

Kamalasan naman Nagulat ako ng hawakan ni kian ang ulo ko at ihilig iyon sa balikat nya.

"I told you, dapat kasi natulog ka man lang" sabi nya.

"kia--"

"Sshhh. Sleep" sabi nya. At naramdaman kong hinawakan nya ang mga kamay ko.

I fell asleep while our hands are clasped together.

If this is a dream, papatayin ko kung sino man ang gigising sakin.

I don't understand why kian is doing this but I don't care. It makes my heart flutter..

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon